CHAPTER: 36 (Friends)

163K 5.3K 979
                                    

"IBANG klase ka talagang humikab

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"IBANG klase ka talagang humikab."

Agad na dumilat si Check at itinikom ang kanyang bibig. Nagulantang siya nang bumungad ang seryosong mukha ni Bright sa kanyang paningin. Paalis na siya ng bahay para pumasok sa Prime University.

Pagsasarahan sana niya ng pintuan si Bright pero mabilis nitong nahawakan iyon. Isinagad nito ang pagbukas ng pinto.

"Ang aga-aga, bibwisitin mo ako! Ano'ng ginagawa mo rito, ha?" nagising nang tuluyan ang kanina'y hinihikab pang si Check.

"Didn't your brother tell you that I'm gonna pick you up this morning?"

"Pick? Me?" nakaturo sa sariling tanong niya.

"Yep!" Inilapit ni Bright ang mukha nito sa kanya. "Nandito ako ngayon para sunduin ka, Pakrung."

Padakmang inilayo ni Check ang mukha ni Bright sa tapat niya. "Hoy! May driver kami dito, 'no! At isa pa, ayoko ng inihahatid o sinusundo ako. Mas gusto kong sumakay ng bus kapag pumapasok ng school!"

"Bakit ba ang arte mo? Ikaw na nga 'tong ihahatid!" inis na sabi ni Bright.

"Kaya kong pumasok mag-isa ng walang Surot na kasama!"

Hinila ni Bright ang kamay niya palabas ng pintuan. Naghanap naman siya ng makakapitan para hindi siya tuluyang matangay nito palabas.

"Ayoko sabi, eh!"

"Huwag mo akong galitin, Pakrung! Ayokong nag-aaksaya ng oras! Pinuntahan kita rito kaya wala kang magagawa kundi ang sumama sa akin!" anito na masama ang tingin sa kanya.

Nag-init ang mukha ni Check sa inis. 'Luh! Ang kapal ng feslak ng Surot na 'to! Sapilitan talaga?!'

"Bitawan mo nga ako! Ang aga pa, bakit pupunta ka na agad ng school? Mamaya pa ang pasok niyo nina Kuya, ah!" Ikinalang ni Check ang paa niya sa loob ng pintuan para hindi siya madala nito.

"May aasikasuhin ako kaya maaga ako ngayon," simpleng sagot nito. "Papalitan na ang lahat ng arm chairs. Ide-deliever ng maaga sa school ngayon ang mga single tables and chairs."

Nanlaki ang mga mata niya nang bigla na lang siyang buhatin at isampay ni Bright sa balikat nito.

"Wah! Kuya!" tili ni Check habang hinahampas ang likod ni Bright.

"Huwag kang malikot. Ikaw din! Kapag nahulog ka, una ang ulo mo!" pananakot nito habang buhat-buhat siya palabas.

"Wah! Gangster! Ibaba mo ako!" patuloy sa paglilikot si Check. "Kuya!"

Tumagilid si Bright. Tumuro ito sa itaas. "See? Ayon siya sa taas, kinakawayan tayo."

Hirap man ay pinilit iangat ni Check ang kanyang ulo. Nakita niyang nakadungaw sa terrace si Xyro habang umiinom ng kape. Nag-init lalo ang ulo niya dahil nakita niyang sumaludo pa ito kay Bright.

MS.RIGHT (published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon