CHAPTER: 54 (She's Taking My Life)

162K 5.7K 1.3K
                                    

DAHAN-DAHANG idinilat ni Check ang kanyang mga mata

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

DAHAN-DAHANG idinilat ni Check ang kanyang mga mata. Nanlaki ang mga iyon nang tumambad sa kanyang paningin ang nakalapit na mukha ni Bright.

"Rise and shine," ani Bright na nakatagilid ng higa paharap kay Check.

Sa pagkabigla ay iniurong niya ang kanyang katawan na naging dahilan ng kamuntikan niyang pagkalaglag sa kabilang dulo ng kama. Mabuti na lamang ay nahigit siya ni Bright palapit dito.

"Mahuhulog ka na lang din...bakit hindi na lang sa akin?"

Nagulat si Bright nang bigla na lang dumapo ang palad ni Check sa pisngi nito. Mabilis siyang tumayo kasama iyong kumot.

Umupo ito sa kama habang sapo ang pisngi nito. "You're crazy! Bakit bigla ka na lang nanampal?!"

Dinakma ni Check ang isang unan at ibinato niya iyon dito pero nakailag ito. "Walanghiya ka! Ano'ng ginagawa mo sa kuwarto ko? Paano ka napunta sa tabi ko?!"

Nag-indian seat si Bright sa kanyang kama. "I just simply open that door then I lay here beside you." Tinapik tapik nito ang kama.

Kumuha ulit si Check ng isa pang unan. Inamba niyang ibabato iyon ulit kay Bright kaya umiwas na ito agad. Doon niya sinapul ang mukha nito. Ganoon ang madalas na gawin ni Xyro sa kanya tuwing nagbabatuhan silang magkapatid.

'Akala mo, ha!' Itinaas ni Check ang isa niyang kilay.

Nakapikit lang si Bright matapos niya itong tamaan. Hindi ito gumagalaw sa puwesto. Nanatili itong naka-indian seat habang nakapikit.

Napakunot ang kanyang noo. "Hoy! Surot! Hoy!" tawag niya pero tahimik pa rin ito habang nakapikit.

Sa inis ni Check ay nilapitan na niya ito. Sumampa siya sa kama. Plano niyang itulak ito para paalisin sa ibabaw ng kama pero iba ang nangyari. Pagkatulak niya rito ay humiga ito at isinabay siya sa pagbagsak.

Pagdilat ng napaibabaw na si Check ay nakita na naman niya ang mapungay na mga mata ni Bright na nakatitig sa kanya. Tila nakarinig siya ng sunud-sunod na pagdagundong ng kanyang puso habang nakatingin sa mga mata nito.

"Don't slap my face again, or else..." Binitin ni Bright ang nais sabihin. Bumaba ang tingin nito sa manipis na labi ni Check. "I'll kiss you."

Tarantang tumayo si Check para lumayo. "Ano ba kasi ang ginagawa mo rito? Ang aga-aga nambibwiset ka!" kunwa'y inis na sabi niya.

Tumayo na si Bright. "Maaga ako ngayon dahil ayoko ng nag-aaksaya ng oras. May utang ka sa akin kaya ngayon mo 'yon babayaran." Itinuro nito ang relong nakasabit. "Babalik ako rito ng ala una para sunduin ka. May pupuntahan lang ako."

Lumabas na ng kuwarto ni Check si Bright. Mabilis siyang sumilip sa kanyang pintuan. Nakita pa niya ang pagbaba nito ng hagdan. Sinalubong ito ni Xyro at sa hitsura ni Bright ay mukhang nagpapaalam na ito na aalis na.

MS.RIGHT (published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon