CHAPTER: 10 (Angel And Demon)

173K 6.2K 1.6K
                                    

"I SHOULDN'T let you bring that crazy girl in here

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"I SHOULDN'T let you bring that crazy girl in here."

Masama ang tingin ni Bright sa wala pa ring malay na si Check. Nakatayo lang ito sa may pintuan ng guest room kung saan doon inihiga ni Yohan si Check.

"Kuya, tayo ang responsable sa kung ano man ang mangyari sa kanya. Look at her, putlang-putla siya," sabi ni Yohan habang nakatingin kay Check. "We better call Dr.Gomez to check her," dagdag nito kasabay ng paglingon kay Bright.

Naningkit ang mga mata ni Bright habang nakatanaw kay Check na nakahiga sa malaking kama. Hindi ito umimik, tumalikod na lang itong basta at lumabas na ng malaking kwartong iyon.

Napailing na lang si Yohan. Dinukot nito ang cellphone nito sa bulsa habang nakatingin kay Check. Tinawagan nito ang isa sa mga family doctor ng kanilang pamilya.

"Hello? Dr.Gomez... it's me, Yohan. I need you here, can you come?" Sandaling tumahimik si Yohan para pakinggan ang sinasabi ni Dr.Gomez na nasa kabilang linya. "Okay, thank you. I'll wait, bye."

Pinagmasdan ni Yohan si Check. Naawa ito sa itsura niya. Alam nitong hindi kinaya ng katawan niya ang labis na pagod kung kaya't bumigay ang katawan niya.

"I need some help to clean her up."

Dinampot ni Yohan ang telepono na nasa gilid ng kama. Nag-dial ito doon at saka idinikit ang telepono sa tenga nito.

"I need help. Magpapunta ka ng dalawang maids dito sa guest room, ngayon na."

[Masusunod po, Master Yohan]

Mataman na tinignan ni Yohan ang mukha ni Check. I'm so sorry, Check. Pagpasensyahan mo sana ang Kuya ko.

"Makikita niyo PRIME, ibabagsak ko kayo!"

Nagulat si Yohan dahil sa biglang pagsigaw ni Check pero nakapikit pa rin ang mga kanyang mata. Gumuhit ang ngiti sa labi nito nang makita nitong sumuntok ang kanang kamay niya sa ere.

"That's cute." Napangisi si Yohan.

" Napangisi si Yohan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
MS.RIGHT (published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon