CHAPTER: 13 (Foretell)

183K 5.8K 947
                                    

"HUWAG kang lalabas

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"HUWAG kang lalabas. Dito ka lang sa bahay, mag-aral ka."

Inayos ni Xyro ang sintas ng suot nitong sapatos at pagkatapos ay isinukbit na nito ang isang backpack sa likuran. Tinapunan nito ng seryosong tingin ang katatapos lang na pangaralang kapatid.

"Ganyan naman lagi, eh. Kapag ako bawal umalis. Samantalang siya, madalas ginagabi ng uwi," pagpaparinig ni Check kay Xyro habang iniikot ang pasta ng spaghetti sa kanyang tinidor.

"Lalaki kasi ako." Muling nilinga ni Xyro si Check.

"Eh ano naman ngayon? Tsk! Kapag lalaki kahit ano pwedeng gawin, ganern? Echos ka, Kuya." Itinuro ni Check kay Xyro ang hawak niyang tinidor.

"Ang baboy mong kumain. Punasan mo nga 'yang nguso mo." Umiling si Xyro sabay talikod.

Umabot ng isang ubas sa mesa si Check at saka iniumang iyon para ibato kay Xyro. Parang batang nagpapangit siya ng mukha habang bumebwelo ng pagbato.

"Bitawan mo 'yang nasa kamay mo kundi kukutusan kita," biglang sabi ni Xyro habang nakatalikod ito.

Nagulat si Check. Nakita niya bang babatuhin ko siya?

Binitawan ni Check ang hawak niyang tinidor. "Oh ayan," aniya habang nakatingin pa rin kay Xyro na kasalukuyang nag-aayos ng buhok nito.

"Hindi 'yang tinidor... the one in your left hand."

Nakasimangot na isinubo na lang ni Check ang hawak niyang ubas. "Paano mo nalaman?" tanong niya habang ngumunguya.

Hindi pinansin ni Xyro ang tanong ni Check. Isinensyas nito ang kanang kamay. "Alis na ako."

Nang masiguro ni Check na nakaalis na si Xyro ay agad niyang minadaling ubusin ang kanyang kinakain at saka tumayo na ng mesa. Tumawag siya ng katulong para ligpitin ang kinainan niya at dali-daling pumunta sa garahe para kunin ang kanyang bisikleta.

Sigurado ako doon ka lang pupunta.

Sinimulan ni Check ang pagpidal sa kanyang bike. Nakahiligan na talaga niya noon pa ang pagba-bike at iyon na rin ang ginagawa niyang exercise para sa kanyang mga hita.

Narating ni Check ang lugar kung saan una niyang nakita ang grupo ng PRIME. Isinandal muna niya ang kanyang bike doon sa nag-iisang puno na kanyang nakita. Pasimple siyang sumilip sa ibaba. Inilibot niya ang kanyang paningin pero wala siyang PRIME na nakita kahit na isa.

"Nakakapagtaka. Kung hindi dito nagpunta si Kuya... saan naman kaya?" Ipinagpatuloy ni Check ang paggala ng kanyang mga mata.

Siguro wala nga siya dito. Kung nandito kasi siya, nasaan ang motor niya? Paano niya rin ibababa 'yon dito? Alangan namang ipadausdos niya iyon dito sa may damuhan.

MS.RIGHT (published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon