CHAPTER: 35 (Jaxx, The Warfreak)

167K 5.1K 343
                                    

"HANEP sa buhok 'yon, oh

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"HANEP sa buhok 'yon, oh. Haha!"

"Tol, uso 'yan. Pero walang gustong sumunod, siya lang. Haha!"

"T*ngina, nasilaw ako nung makita ko! Parang gusto ko tuloy hiramin 'yung suot niyang shades. Haha!"

Nagpintig ang tenga ni Jaxx sa katabi niyang tatlong lalaki sa labas ng convenience store. Kanina pa niya napapansin ang pagbubulungan ng tatlo at alam niyang siya ang pinag-uusapan ng mga ito. Ngayon na sinasadya na ng mga ito ang iparinig ang usapan ay hindi na nakatiis ang kanina pang nag-iinit ang ulong si Jaxx.

"May problema ba?"

Inalis ni Jaxx ang suot niyang shades

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Inalis ni Jaxx ang suot niyang shades. Nakita ng tatlong lalaki ang matapang niyang mga mata. Nagtinginan ang mga ito at saka naglabas ng mapang-asar na ngisi.

"Sh*t, Tol! Mas nasilaw yata ako ro'n sa mata. Haha!"

"Mapanindak ba?"

"Mga gunggong, ang tawag sa ganyan...killer eyes! Haha!"

Nginitian ni Jaxx ang nagtatawanan na tatlong lalaki. Bigla niyang hinablot ang kabubukas lang na bottled watter ng isa at isinaboy niya iyon sa mga ito.

"Sh*t!" malakas na sigaw ng nasa gitna.

Mabilis na pinagpagan ng tatlong lalaki ang mga ulo nito pati na rin ang mga suot na damit. Napangisi si Jaxx dahil sa naging reaksyon ng mga ito.

"Ang init sa mata ng mga pagmumukha n'yo. Halatang kulang kayo sa paligo," aniya sabay balik ng shades sa kanyang mata.

"Aba't gago 'to, ah!" asar na sabi ng unang lalaki.

Sumuntok ang isang lalaki. Muntikan na iyong tumama sa pisngi ni Jaxx, mabuti na lang at nasalo niya ang kamao nito at patulak niyang ibinalik.

Tumingin ang lalaki sa dalawang kasama nito. "Marunong mga, Tol. Mukhang may ibubuga ang isang 'to."

"Ows? Masubukan nga," sabi ng ikatlong lalaki.

Sabay-sabay na sumugod ang tatlong lalaki. Nagsilabasan ang mga nasa loob ng convenience store para makiusyoso. Ang iba ay natatakot, habang ang iba naman ay natutuwa pa sa suntukan na nagaganap.

MS.RIGHT (published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon