CHAPTER: 24 (Sick Head Girl)

172K 5.5K 1K
                                    

SABADO

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

SABADO. Umuulan pero maagang umalis ng bahay sina Xyro at Check. Si Xyro lang sana ang aalis para mag-grocery pero hindi nito inaasahan na bubuntot pa ang kapatid sa kanyang lakad.

"Ano bang lulutuin mo mamaya, Kuya?" Patalikod na naglalakad si Check, nakaharap siya kay Xyro.

"I don't know yet. Kung ano na lang siguro ang makita natin ngayon."

Napanguso si Check. Kapag PRIME ang kasama niya, mabilis pa sa kidlat ang pagkain.

"Watch your step!"

Bumitaw muna si Xyro sa cart at mabilis nitong hinila ang kamay ni Check. Muntikan na niyang mabunggo ang nakatayong free taste mini stand dahil sa kakalakad ng patalikod.

Parang batang kumuha si Check ng free taste na sausage sa muntikan na niyang mabunggo na stand at saka nakangiting isinubo iyon na parang wala lang nangyari.

"Kuya, pasampa dyan," nakangising sambit ni Check habang nakaturo sa cart. "Itulak mo ako."

"Sure! Sumampa ka, tapos itutulak kita doon sa palusot na daan sa labas."

"Umuulan sa labas! Mahal na mahal mo talaga ako, Kuya. I love you too," ani Check sabay pinalaki ang butas ng kanyang ilong.

Dumampot si Check ng dalawang napakalaking cereal at agad inilagay sa cart na tulak-tulak ni Xyro. Nanakbo siya nang makakita siya ng malaking fresh milk at inilagay din iyon sa cart. Iilan pa lang ang nadadampot ni Xyro pero siya ay nakailang parit-parito na para ikarga sa cart ang mga pagkaing kinukuha niya.

"Hey stop! Ano ba 'yang mga pinagkukukuha mo?"

Nakangising inilagay ni Check ang hawak niyang chocolate spread at isang tasty sa cart. "Ano ba ang pinunta natin dito, Kuya? Para mag-grocery, 'di ba? Oh, 'yan na. Tinutulungan na nga kita, ayaw mo pa."

"Wala ni isa man dyan sa mga pinaglalalagay mo ang nakasulat dito sa list ko." Ipinakita ni Xyro ang hawak nitong listahan ng balak bilhin na isinulat nito kanina lang bago sila umalis.

"Ano ba kasing mga inilagay mo dyan, Kuya? Basahin mo nga. Ako ang kukuha nung iba," nakapamaywang na sabi ni Check.

"Okay. Ikaw na lang ang kumuha nitong baking soda at saka nitong black pepper. Wala na tayong stock sa bahay, eh."

"Okay, Kuya. I coming back." Nag-thumbs up si Check.

Umalis na si Check. Pagkaraan ng 30 minuto ay nagtaka na si Xyro dahil hindi siya nito makita sa buong supermarket kaya naisip nitong tawagan na siya dahil sa pag-aalala. Agad naman niyang sinagot yung tawag.

MS.RIGHT (published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon