CHAPTER: 46 (Worried Boyfriend)

162K 5.2K 1.1K
                                    

"KUYA, bakit naman lunes na lunes, eh walang pasok? Tapos 'yong magaling niyong Surot King, tinatadtad pa ako ng text

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"KUYA, bakit naman lunes na lunes, eh walang pasok? Tapos 'yong magaling niyong Surot King, tinatadtad pa ako ng text. Huwag daw akong pupunta ng school. In-off ko na 'yong cellphone ko sa inis ko, eh."

"Nag-aalala lang sa'yo 'yon."

Lumipat ng sofang inuupuan si Check. Nahiga siya sa mga hita ng kanyang kuyang si Xyro na nakaupo sa dulo ng kanilang mahabang sofa.

"Luh! Nag-aalala? Ang o.a naman niya. Dinaig ka pa," aniya at saka kumuha ng isang throw pillow at niyakap iyon.

"May nangyayaring hindi maganda sa school. Ayaw niyang mag-panic ang mga students kaya hindi pa niya ipinapaalam ang tungkol doon," anito habang inililipat ang channel ng tv.

Tinusok-tusok niya ng kanyang daliri ang dulo ng baba nito. "Ano ba'ng nangyayari?"

Inalis ni Xyro ang daliri ni Check. "Mahirap i-explain lalo na sa gaya mong mahirap umintindi."

"Grabe ka talaga sa akin, Kuya!" Kinurot niya ito sa dibdib.

Sa inis ni Xyro ay itinulak siya nito. Nahulog tuloy siya sa carpet ng nakadapa.

"Hustisya naman, oh!" reklamo ni Check na masama ang tingin kay Xyro. "Inaalipusta mo na nga ang mumunting dunong na meron ako, nagawa mo pang saktan ang aking kaawa-awang katawan."

"Huwag mo akong bwisitin, Check." Dinampot nito ang kaninang yakap na throw pillow ni Check. Ibabato sana nito iyon pero nanakbo na siya palayo.

Nagpunta si Check sa kanyang kuwarto. Unang nadako ang kanyang mga mata sa gitarang ibinigay na sa kanya ni Bright. Nang mahawakan iyon ay naalala niyang may isang bagay pang ibinigay ito sa kanya, iyon ay ang bike na ginamit niya kahapon.

"Hey! Slow down!" pasigaw na utos ni Bright. "Baka may makasalubong ka!"

Inilinga ni Check ang kanyang ulo. "Wooshoo! Ang bagal mo lang. Hindi ka makasabay," tumatawa niyang sabi.

Alam niyang napahiya si Bright kaya pinilit nito na tapatan siya. Napangiti siya nang makita niyang pinagpapawisan na ito.

"Okay! Time first muna. Naaawa na ako sa'yo, eh," tumatawa pa ring sabi niya.

Iginilid ni Check ang kanyang bike papunta sa isang may kalaguang puno. Nasa taas na kalsada sila ngayon, lugar kung saan matatanaw ang PHQ sa ibaba. Doon sa puwesto na iyon mismo niya unang nakita ang PRIME.

Magkatabi nilang isinandal ang dalawang bike. At dahil may tipak na bato na nasa ilalim ng puno na iyon ay nagkaroon sila ng mauupuan.

Nilinga niya si Bright. "Salamat, ha? Naging masaya naman ako ngayong araw."

Inihinto nito ang pagpupunas ng pawis sa noo. "M-Masaya rin ako."

"May masaya ba na ganyan ang hitsura?"

MS.RIGHT (published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon