CHAPTER: 52 (Fighting Partners)

151K 5.7K 602
                                    

'NAKAKAINIS siya! Hindi ko alam kung ano ba'ng problema niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

'NAKAKAINIS siya! Hindi ko alam kung ano ba'ng problema niya. Bigla na lang ayaw niya akong kausapin.'

"Hindi naman siguro totoo 'yong binibintang ng PRIME sa kanya. Pero bakit gano'n siya? Iniiwasan niya 'ko." Bumuntong hininga si Check.

Nasa bakanteng silid ito na naroon sa school garden. Madalas nilang tinatambayan iyon kapag breaktime nila. Doon nito minabuting magpalipas ng oras habang inaantay ang paglabas ni Xyro sa klase nito.

Mula sa pinagkukublihan ay naririnig ni Hendrix ang himutok ni Check.

Naintindihan naman niya ang hinanakit ng kaibigan dahil talagang hindi niya halos pinapansin si Check kanina sa kanilang klase

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Naintindihan naman niya ang hinanakit ng kaibigan dahil talagang hindi niya halos pinapansin si Check kanina sa kanilang klase. Nahihiya rin kasi siya dahil iniisip niya na baka nagbago ang tingin nito sa kanya matapos ang nangyari kahapon.

Tinitigan ni Hendrix si Check. 'I'm sorry, Ms.Engot.'

Pagkatalikod ni Hendrix para umalis ay napahawak siya sa kanyang ulo nang maramdaman niya na may bumato. Yumuko siya para kunin ang baryang ipinambato sa kanya.

"Engot!"

Luminga siya sa direksyon ni Check. Nakita niya ang masamang tingin nito sa kanya habang nakapamaywang.

Tumalikod na si Hendrix. Hahakbang na siya paalis nang maramdaman na naman niya ang pagbato sa likod ng kanyang ulo. Hindi na niya iyon pinansin at nagsimula na siyang umalis.

Nagmadaling lumabas si Check. "Ano'ng klase kang kaibigan? Bakit bigla kang nagbago? Ang labo mo! Naiinis ako sa'yo!"

Huminto sa paglalakad si Hendrix at umarap kay Check. "Gaya ng PRIME, gusto rin kitang protektahan. Hindi ko magagawa ang binibintang nila sa akin. Ayaw ko ng gulo. Kung iniisip nila na kapahamakan lang ang idudulot ko sa'yo, mabuti pa nga sigurong—"

"Wala kang kuwenta!" pasigaw na sabi ni Check.

"Matagal na," mahinang sambit ni Hendrix habang nakayuko.

Tuluyan nang lumapit si Check. Tumigil ito sa tapat niya at basta na lang siya nitong sinuntok sa dibdib. Tahimik lang na tinanggap niya iyon.

"Ano ba'ng akala mo? Naniniwala ako na magagawa mo 'yon?!" Niyugyog siya nito. "Gano'n ba ang tingin mo?!"

MS.RIGHT (published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon