CHAPTER: 26 (Check's Protector)

169K 5.7K 1.1K
                                    

SAMA-SAMANG naglalakad ang PRIME sa corridor ng college building

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

SAMA-SAMANG naglalakad ang PRIME sa corridor ng college building. Maaga pa kung kaya't naisip ni Bright na libutin ang buong Prime University upang makita na rin niya kung nasa maayos ang lahat.

 Maaga pa kung kaya't naisip ni Bright na libutin ang buong Prime University upang makita na rin niya kung nasa maayos ang lahat

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Naglabasan ang ilang mga estudyante na nag-aantay pa lang din ng pagsisimula ng kanilang klase. Umalingawngaw ang tilian sa bawat sulok ng corridor. Diretso lang ang tingin ng PRIME na pinangungunahan ni Bright.

"Yiee! Jam! Oh my gosh!"

"Hello, Jaxx!"

"Gavin, please notice me!"

"Oh my God! I can't breathe! Bright!"

"Shemay! Ang gwapo ni Xyro!"

"Yohan, ang cute-cute mo!"

"Bright!"

"Jam!"

"Xyro!"

Nawala ang kanina ngiti sa labi ni Bogz. Nilinga nito ang kanan at kaliwa nito pagkatapos ay sumimangot.

Umakbay si Bogz kay Gavin. "Bakit ang pangalan ko, hindi nila sinisigaw?"

Tinignan ni Gavin si Bogz. "Huh?" anito habang nakakunot ang noo.

Bumitaw ng akbay si Bogz. "Taragis ka. Paano mo ako maririnig, eh may nakasalpak sa tenga mo. Kupal na 'to!"

Pinitik ni Gavin ang tenga ni Bogz. "Mas kupal ka... ugok!"

Sunod na inakbayan ni Bogz si Jam. "Hindi ba nila alam ang pangalan ko? I didn't hear them shouting my handsome name."

Nilinga ni Jam ang nakatingin dito na si Bogz. Ngumisi si Jam at saka umiling. Hindi nito sinagot ang tanong ng kaibigan.

MS.RIGHT (published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon