CHAPTER: 8 (Me Against Them)

181K 6K 797
                                    

NAKAKARAMDAM na ng sobrang pagka-ilang si Check habang naglalakad papasok ng Prime University

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NAKAKARAMDAM na ng sobrang pagka-ilang si Check habang naglalakad papasok ng Prime University. Kahit saan kasi siya lumingon ay may mga matang nakatingin sa kanya. Napansin din niya na pinagbubulungan siya ng ilang mga estudyanteng nadadaanan niya.

"Oops!"

Napabalya si Check sa handrail ng hagdan nang mabangga siya ng isang estudyanteng lalaki na paakyat din na gaya niya. Nabitawan tuloy niya ang shoulder bag na nakasukbit sa kanan niyang balikat. Ni hindi manlang siya nilingon nito at nagmadali ng umakyat.

Hinawakan ni Check ang braso niyang tumama sa handrail. "Grabe siya, oh! Hindi manlang marunong mag-sorry!"

Dinampot ni Check ang kanyang nahulog na bag at sinimulan na ulit ang pag-akyat sa hagdan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Dinampot ni Check ang kanyang nahulog na bag at sinimulan na ulit ang pag-akyat sa hagdan. Pagdating niya sa dulo ay nakarinig siya ng malakas na tawanan ng isang grupo ng mga babaeng estudyante.

Nagulat siya ng bigla na lang siyang sinulatan sa balikat nung isang estudyante gamit ang isang itim na marker, tumawa pa ito ng malakas habang nakatingin sa kanya. Agad niyang tinignan ang suot niyang uniform na sinulatan nito. Napangiwi siya nang makita niya kung gaano kahaba iyon.

Anak ng pitong tupa! Nasisiraan na ba ang babaeng 'to? Bakit niya sinulatan ang uniform ko?!

"Hoy ikaw! Bakit mo 'yon ginawa, ha?!" malakas na tanong ni Check.

Tawa lang ang isinagot nung estudyante sa kanya. Nanlaki ang mga mata ni Check nang bigla na lang din siyang sulatan ng ilan pa sa mga kasama nito. May kanya-kanyang mga panulat itong hawak at sabay-sabay siyang sinulatan ng mga ito sa kanyang uniform. Dahil sa hindi niya alam ang kanyang gagawin ay muli siyang bumaba ng hagdan.

Nang makalayo si Check ay agad niyang tinignan ang mga parteng may sulat sa kanyang uniform. Halos sumabog ang inis niya nang makita niya na kahit ang kanyang mga kamay at siko ay may sulat na rin.

"Ahh!" sigaw ni Check nang bigla na lang may sumulpot na dalawang lalaki sa likod niya at pinagsusulatan din siya sa kanyang uniform. "Tantanan niyo nga ako! Mga siraulo kayo!"

MS.RIGHT (published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon