CHAPTER: 41 (I Hate You)

152K 5.1K 809
                                    

"ANO'NG kailangan niyo?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"ANO'NG kailangan niyo?"

Tiningnan ni Hendrix isa-isa ang tatlong lalaki na bigla na lang humarang sa kanyang harapan. Kapapasok niya lang sa entrada ng Prime University at ang mga ito agad ang sumalubong sa kanya.

"Ano ba sa tingin mo?" anang unang lalaki.

"Siya ba 'yon?" nakangiting tanong ng ikalawang lalaki.

"Yeah! Siya na nga," sagot ng unang lalaki.

"Let's play a game... Iyon ang sabi sa amin. Naka-ready ka ba?" Ngumisi ang ikatlong lalaki.

'Tss! Kung gano'n tama nga ang nasa isip ko, 'yong Bright na 'yon ang nag-utos sa mga kumag na 'to.'

Maangas na itinaas ni Hendrix ang kanyang ulo. "Gawin niyo na kung ano ang kailangan niyong gawin."

Nagtinginan ang tatlong lalaki at saka sabay-sabay na ngumisi

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nagtinginan ang tatlong lalaki at saka sabay-sabay na ngumisi. Tuluyan nang pinalibutan ng mga ito si Hendrix.

Hinawakan ng dalawang lalaki na nasa kanan at kaliwa ang magkabilang kamay ni Hendrix. Hindi siya umalma. Nanatili lang siyang nakatingin hanggang sa maglabas ng isang panyo ang isa pang lalaki na nasa kanyang tapat.

"Hindi naman sinabi na bawal ipagtanggol ang sarili, 'di ba?" malumanay na tanong ni Hendrix.

Ngumiti ang may hawak ng panyo. Itiniklop nito iyon para gamitin na pang blindfold sa kanya. "Kung kaya mo, bakit hindi," tugon nito.

Nang ilalapit na ng lalaki ang panyo sa mga mata ni Hendrix ay agad niyang sinipa ito sa tiyan pati na rin ang dalawa pang nakahawak sa magkabila niyang kamay. Nagmadali siyang tumakbo papasok.

Binilisan ni Hendrix ang pagtakbo. 'Bahala na kung saan man ako abutin, basta lalaban ako.'

Mula sa mataas na building kung saan nandoon ang Student Council ay makikitang nakatayo si Bright habang nakatingin sa tumatakbong si Hendrix. Maaga talaga itong pumasok ngayong araw para lang iutos ang mga dapat gawin ng ilang mga lalaking estudyante na inutusan nito.

MS.RIGHT (published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon