CHAPTER: 55 (I Love You)

156K 5.7K 1K
                                    

KANINA pa nahihiwagaan ang PRIME sa ikinikilos ni Bright

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

KANINA pa nahihiwagaan ang PRIME sa ikinikilos ni Bright. Para sa kanila ay isang himala ang makitang good mood ang kanilang leader mula pa kaninang umaga.

Naglalakad sila ngayon sa high school building sa pangunguna ni Bright. Ang kanilang destinasyon ay sa classroom ng PRIME's Princess na si Check.

"Hindi kaya nakakain siya ng kung ano kaya siya nagkaganyan?" bulong ni Bogz. "Ilang beses ng ngumiti, eh. Na-sighting ng beautiful eyes ko, eh."

"Ssshh!" awat ni Yohan kay Bogz. "Kapag naasar sa'yo si Kuya, baka hindi ka matantiya niyan."

"Ayaw niyo ba no'n? Good mood siya. That's good for him," nakangiting sabi ni Xyro.

"Maybe there's something good that happened to him, kaya 'yan ang resulta," ani Jaxx.

"May suspetsa ako," bulong ni Jam.

Nagtinginan ang lahat kay Jam maliban kay Gavin na may pasak na earphones sa tenga. Kapwa nag-aantay ang mga ito sa sasabihin ni Jam.

"Nakahalik na siguro 'yang si Bright kay Pakrung niya."

Nagtaasan ang mga kilay nina Yohan, Jaxx at Xyro kasabay ng pagguhit ng mga ngiti sa labi. Si Bogz naman ay halatang hindi nagustuhan ang sinabi ni Jam. Sabay-sabay nilang nilinga si Bright na nasa harapan nila.

Kahit pabulong ang ginawa ni Jam ay hindi pa rin iyon nakalusot sa matalas na pandinig ni Bright. Gusto niyang mapangiti pero pinilit niyang gawing seryoso ang kanyang mukha bago siya humarap sa mga kaibigan.

"Tigilan niyo ako sa mga kalokohan niyo," ani Bright at saka namulsa. "Mali ang iniisip niyo," aniya habang pinipilit na huwag mapangiti.

"Weh?" Nanlaki ang butas ng ilong ni Bogz. "Nilaplap mo na yata talaga ang nguso ni Cutie ko, eh."

Sabay-sabay na binatukan ng lahat si Bogz. Nagtanggal ng isang nakapasak na earphone sa tenga si Gavin at saka winari kung ano ba ang nangyayari.

"What's happening?" tanong ni Gavin. Tiningnan nito isa-isa ang mga katabi.

"Huwag ka ng makisali. Nagkakalinya ka lang, eh." Ibinalik ni Bogz ang earphones sa tenga ni Gavin.

Nagsimula na ulit maglakad si Bright at sumunod naman ang lahat. Umikot sila pakaliwa kung saan makikita ang classroom ni Check. Sa dulo pa lang ng pasilyong iyon ay naglingunan na ang mga estudyanteng nasa kani-kanilang mga classrooms. Kung puwede lang tumili ang mga babae, malamang ay ginawa na ng mga ito pero nasa kalagitnaan kasi ang mga ito ng klase. Naghusto na lamang ang mga ito na kiligin sa kinauupuan habang nakalinga sa may bintana.

"I-e-excuse ba natin si Check sa klase niya?" tanong ni Jaxx.

Saglit na luminga si Bright. "Nope," sagot niya sabay balik ng tingin sa daan. "I just wanna check her."

MS.RIGHT (published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon