CHAPTER: 53 (No One Can Ever Replace You)

150K 5.4K 869
                                    

(A/N)
Marami na naman akong na-insert na images at may clips din. If ma-encounter n'yo yung error which is nauulit ang lines o nagputol-putol, alam n'yo na gagawin n'yo... refresh or remove and then add n'yo nalang ulit sa library n'yo. Thanks! 😊

•••••

ISANG linggo na rin ang lumipas

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ISANG linggo na rin ang lumipas. Wala namang kahit na anong masamang nangyayari sa Prime University. Upang makasigurong walang mangyayaring hindi maganda kay Check ay nag-utos si Bright sa tatlong private securities ng pamilya Villareal na magbantay sa kanilang bahay.

Sa ngayon ay tatlong araw nang namamalagi ang mga private securities sa kanilang bahay. Noong una ay todo ang kanyang pagtanggi. Katwiran niya ay hindi naman daw kailangan. Pero dahil sa kagustuhan na rin ni Xyro na pag-ingatan siya ay ito at si Bright ang nasunod.

"Ate Gina, si Kuya?"

Nasa gitna pa lang ng hagdan ay tinawag na ni Check si Gina na nakita niyang nagpapalit ng punda ng mga throw pillows. Agad na lumingon ito at lumapit sa hagdan.

"Good afternoon, Prensisa," nakangiti nitong bati. "He's out with Susan. They went to the grocery store."

Sumimangot si Check. "Si Ate Susan pa ang isinama niya? Dapat ako na lang, eh."

Umakyat na lang pabalik si Check sa kanyang kuwarto. Pagpasok niya ay ang gitara agad ang kanyang kinuha.

"Paano nga ba ako makakatugtog kung sira pa rin 'yong isang string? Hay!" Napabuntong-hininga siya.

Tumunog ang kanyang cell phone na nasa tabi lang ng kanyang unan. Dinampot niya iyon at binasa ang natanggap na text.

*From: Surot
Hoy Pakrung! What are you doing right now? I'll call you*

Magtitipa pa lang siya nang kanyang ire-reply nang biglang rumehistro na ang mukha ni Bright sa screen ng kanyang cell phone. Tumatawag na ito. Agad niya iyong inilapit sa kanyang tenga pagkasagot niya noon.

"It's a video call, Pakrung."

Nanlaki ang mga mata ni Check nang marinig niya ang sinabi ni Bright. Kagat-labing inalis niya sa kanyang tenga ang kanyang cell phone at dahan-dahan niyang tiningnan iyon.

"Hi."

Pumikit-pikit si Check. "He-Hello."

Nakahiga si Bright. Nakatapat lang ang cell phone nito sa mukha nito. Kitang-kita ni Check ang wangis ng guwapo nitong mukha. Nailang siya dahil tumahimik itong bigla at tila abala sa pagsuri sa kanyang mukha.

Itinaas ni Bright ang cell phone nito at pagkatapos ay itinagilid. "Ipasusundo kita diyan mamaya."

"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
MS.RIGHT (published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon