CHAPTER: 3 (Tulips)

242K 6.9K 781
                                    

ITINIGIL ni Yohan ang pagbabasa nito nang makita nitong dumaan si Bright sa harapan nito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ITINIGIL ni Yohan ang pagbabasa nito nang makita nitong dumaan si Bright sa harapan nito. Nasa loob pa ng bahay pero nakasuklob na agad ang hood ng jacket sa ulo ni Bright.

Isinara ni Yohan ang librong binabasa nito at saka nagmadaling sumunod sa likuran ni Bright. "Kuya, pupunta ka na ng PHQ?"

"I'm not going there. Kapag pumunta ka doon mamaya, sabihin mo sa kanila na hindi ako makakarating. I have something to do," ani Bright na hindi manlang nilingon si Yohan.

"What is it?" tanong ni Yohan.

Bumuntot pa rin si Yohan kay Bright na palabas na ng napakalaki nilang Mansion na kilala sa tawag na Villareal Mansion.

Tumigil ng paglalakad si Bright at saka humarap kay Yohan. "Kailangan ko pa bang ipaalam sa'yo kung ano ang mga ginagawa at gagawin ko?"

Hindi na nakasagot pa si Yohan. Tumalikod na si Bright at dirediretsong tinungo ang daan palabas kung saan nandoon na ang motorbike niya na kanyang ipinahanda.

Napabuntong-hininga na lang si Yohan bago ito tumalikod. Habang naglalakad pabalik ay napatingin ito sa malaking painting kung saan nakapinta ang larawan ng isang malungkot na pamilya. Tanging si Yohan lang ang nakangiti sa painting na iyon.

I know that for some reason you don't like me as your brother, but I will not give up. Whatever happens, you're still my older brother. Ngumiti si Yohan at ipinagpatuloy nito ang paglalakad.

Nang makalabas si Bright at makita ang motorbike nito ay agad nitong isinuot yung helmet na inabot ng isang katulong

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nang makalabas si Bright at makita ang motorbike nito ay agad nitong isinuot yung helmet na inabot ng isang katulong. Sumakay na ito sa motorbike at binuhay ang makina noon.

"Siguraduhin mong maayos at walang problema ang motor o ang kotseng gagamitin ni Yohan bago siya umalis mamaya," utos ni Bright kay Frank, ang Head ng kanilang private securities.

"Copy, Master," nakayukong tugon ni Frank.

Pinaharurot ni Bright ang motorbike nito. Sanay na sanay talaga itong makipagsabayan sa mga nag-uunahang sasakyan. Mabilis man itong magpatakbo pero ni minsan ay hindi pa naman nito nararanasan ang maaksidente.

MS.RIGHT (published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon