CHAPTER: 32 (Hatred)

161K 5.3K 1K
                                    

NANDITO kaya sila? Sabado ngayon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NANDITO kaya sila? Sabado ngayon. Wala naman sigurong ibang tatambayan ang mga surot na 'yon, bukod dito sa kanilang lungga.

Kagat-labing tinitigan ni Check ang digital security lock ng PHQ. Sinubukan niyang pindutin ang ilang numero doon. Nang malibang ay parang batang pinagpipindot-pindot niya iyon kasabay ng pagbabakasakali na baka matyempuhan niya ang passcode noon para makapasok siya sa loob.

Napakunot-noo si Check nang bigla na lang ayaw ng rumespunde ng security lock sa pagpindot niya. Gulat na napatingin siya sa bumukas na pader, bumulaga doon si Bright na magkasalubong ang mga kilay.

Mabilis na hinila ni Bright si Check papasok at agad na isinara ang secret passage ng PHQ. Sunod-sunod ang naging paglunok ni Check dahil sa pangyayari.

"Sh*t! What are you doing here?!" agad na bulyaw ni Bright habang mahigpit na hawak pa rin sa may pulsuhan si Check.

Ngumisi si Check. "Wala kasi akong magawa sa bahay, eh. Pwede bang patambay muna?"

Lalong humigpit ang hawak ni Bright sa pulsuhan ni Check. "Tambay? Hindi playground ang lugar na 'to! Hindi ba malinaw sa'yo na bawal kang magpunta dito?!"

"Eh bakit nung nakaraan, pumayag ka?"

"Kasama mo kasi ang Kuya mo, si Jam at si Yohan, kaya pumayag ako. Kung walang PRIME na kasama, hindi ka pwedeng basta na lang magpunta dito dahil delikado!" malakas na paliwanag ni Bright.

Ikinawag ni Check ang kamay niya para mapabitaw sa pagkakahawak si Bright. "Oo na, naintindihan ko na! Bakit ba lagi ka na lang nakasigaw? Hindi naman ako bingi!"

Naigilid ni Bright ang mga mata nito. "Hindi nga bingi, mahina naman umintindi," bulong nito.

"Hoy! Narinig ko 'yon!"

Magsasalita pa sana si Bright nang biglang tumakbo ng mabilis si Check. Napapikit ito dahil sa inis, pinagsalikop ang mga kamay at saka inilagay sa likod ng ulo nito.

Sabay-sabay na napalinga ang PRIME nang makarinig ng malakas na yabag na gawa ng tumatakbong si Check. Nakangiting ikinaway niya ang kanyang kamay.

"Check?!" Napatayong bigla si Xyro. "Bakit nandito ka na naman? Hindi ba sinabi ko na sa'yo na bawal ka dito?"

"Eh pinapasok na ako ng hari niyo eh, sorry na lang." Dumila si Check.

"As if I have a choice! Eh kung may makakita sa'yo sa labas?!" inis na sabi ng palapit ng si Bright. "Sisirain mo pa yung security lock!"

"Check, ang tigas ng ulo mo!" sigaw ni Xyro sa kapatid.

"May ulo bang malambot?" papilosopong sagot ni Check.

"Ulo ni Bogz!" mabilis na sagot ni Jam.

"Hoy! Utot mo, matigas 'to! Hawakan mo pa!" sabi ni Bogz na tumayo pa at saka lumapit kay Jam.

MS.RIGHT (published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon