CHAPTER: 47 (Bogz, The Joker)

143K 4.8K 836
                                    

"HELLO, Jaxx? Asan ka ngayon?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"HELLO, Jaxx? Asan ka ngayon?"

"Sa bahay, sa'n pa ba? Istorbo ka. I'm writing!"

"Labas tayo. Nabo-bored ako, eh." May siglang yaya ni Bogz.

"Kung wala kang magawa, iuntog mo na lang ang ulo mo sa pader."

"Jaxx—" Inalis ni Bogz ang telepono sa kanyang tenga dahil binagsakan siya ng kausap sa kabilang linya.

Sunod niyang idinayal ang numero sa bahay nina Jam. Dalawang ring pa lang ay sinagot na nito agad ang kanyang tawag.

"Hello Jam," pauna niyang bati.

"Oh, bakit?"

"Are you busy today?"

"Yeah! I have a date."

"Date? Weh? Tapos na ang one month, ah? Kayo pa rin ba no'ng Reiko?" usisa niya.

"Of course not! Gaya nga ng sinabi mo, tapos na ang one month niya. Bakit tinatanong mo pa kung kami pa?"

"So, you mean—"

"It's a new girl. So, mawalang galang na sa'yong kupal ka. Paalis na ako. Ba-bye na."

Ibinaba na rin ni Jam ang telepono kaya napasimangot si Bogz. 'Hay! Kainis!'

"Okay lang. May naka-line up pa naman na tatawagan," aniya sabay dial naman ng numero sa bahay nina Gavin.

"Yes? Hello?"

"Hey! Gav! Zup, bro? Tara, labas tayo. Wala akong magawa, eh—"

"Go f*ck yourself!"

Gaya ng dalawang nauna ay binabaan din ni Gavin si Bogz ng telepono. Inis na napakamot tuloy siya ng ulo.

Dumekwatro ng upo si Bogz. 'F*ck myself? Siguro nagawa na niya 'yon.'

"Okay. Si Xyro naman," nakangisi niyang sambit.

Tila wala sa katinuang nagsasayaw-sayaw si Bogz habang inaantay na sagutin ng kanyang tinatawagan ang telepono. Ilang saglit lang ay may nag-angat noon.

"Hello?" bati ni Bogz.

"Hello? Who's this?"

MS.RIGHT (published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon