CHAPTER: 42 (Ms.Right)

153K 5.7K 1.9K
                                    

"I HATE YOU!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"I HATE YOU!"

Dahan-dahang iniharap muli ni Bright ang kanyang mukha kay Check. Batid niya ang galit nito sa kanya lalo pa at nasasalamin niya iyon sa mga mata nito.

Tahimik lang na nakatingin sina Gavin, Bogz, Jam at Jaxx sa kanya. Walang gustong lumapit o umimik. Alam nilang hindi iyon ang tamang oras para sa biruan.

"Check..." natigil ang sasabihin ni Bright nang makita niyang tuluyan na itong umiyak.

"Hindi ko alam kung bakit mo ginagawa ang mga 'to! Hindi ko alam kung bakit gustong-gusto mong paglaruan ako! Kung bakit sapilitan mo akong ginawang girlfriend, kahit alam mong malaki ang galit ko sa'yo!" seryosong lahad ni Check habang ito ay umiiyak. "Hindi kita magugustuhan, alam mo ba 'yon?! Hinding-hindi!" Hinampas siya nito ng dalawang beses sa kanyang dibdib.

Hindi makasagot si Bright. Hindi siya sanay sa ganoong sitwasyon. Gusto niyang magpaliwanag pero hindi niya magawa lalo na at may ibang tao sa paligid na maaaring makarinig.

Pinunasan ni Check ang luha nito. "Ano? Sumagot kang Surot ka!"

Hinampas-hampas ulit siya ni Check sa dibdib. Hinuli niya ang dalawang kamay nito at hinigit palapit.

"Pinapahirapan mo ang loob ko," pabulong na usal ni Bright.

Nabigla ang lahat nang basta na lang buhatin ni Bright si Check. Isinampay niya ito sa kanyang balikat. Agad itong nagpumiglas at pinaghahampas ang kanyang likod nang magsimula na siyang maglakad.

"'Yan ka na naman! Bwisit ka! Ibaba mo ako!"

Makikialam sana si Hendrix pero agad na humarang ang apat na PRIME sa dadaanan nito.

"Don't make any steps," ani Jaxx habang nakatitig sa mga mata ni Hendrix.

"Huwag ka ng makialam sa eksena. Panggulo ka lang, eh," anang si Gavin na masama rin ang tingin.

"TAMA," sabay na sabi nina Jam at Bogz. "DIYAN KA LANG."

Hinarap ni Jam si Bogz. "Ginagaya mo ba akong kupal ka?!"

"Gagong 'to! Ikaw nga ang gumaya sa akin, eh!" nakangusong sabi ni Bogz.

Walang nagawa si Hendrix kundi ang tanawin na lang si Check habang buhat-buhat ito ni Bright palayo sa lugar na iyon.

Sumara ang kanang palad ni Hendrix. 'Binugbog mo na lang sana ako.'




















DINALA ni Bright si Check sa Villareal Mansion. Paghinto pa lang ng kotseng dala niya sa bukana ay may sumalubong agad na tauhan ng Mansion para kunin ang susi sa kanya. Ang sabi nito ay ito na raw ang bahalang magpasok ng kotse sa malaking garahe ng Mansion.

"Bakit mo 'ko dinala rito, ha?! Ibalik mo ako sa school!" ani Check at saka ito tumalikod.

Hinila ni Bright sa kamay si Check para isabay ito sa paglalakad papasok pero dahil patuloy ito sa pagmamatigas ay napilitan na naman siyang buhatin ulit ito.

MS.RIGHT (published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon