CHAPTER: 2 (That Girl)

301K 7.9K 1.9K
                                    

"YOU still have two more weeks to change your mind

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"YOU still have two more weeks to change your mind."

Nilinga ni Xyro ang kapatid nitong si Check habang ipiniprito nito ang niluluto nitong ulam. Hindi nito napigilan ang mapailing-iling dahil sa desisyon ng kapatid na lumipat pa ng school na papasukan.

 Hindi nito napigilan ang mapailing-iling dahil sa desisyon ng kapatid na lumipat pa ng school na papasukan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ang kulit mo Kuya, sinabi ng nakapagdesisyon na ako, eh." Binato ng kinuyumos na papel ni Check si Xyro. "At saka ayos na nga lahat, 'di ba? Nakahanda na ang mga gamit at uniform ko."

Humarap si Xyro, dinampot nito ang papel na ibinato ni Check. Ini-umang nito iyon para ibato pabalik. Sa pag-aakalang ibabato iyon agad ni Xyro ay umilag na agad si Check. Doon na sinapol ni Xyro ang noo ng kapatid.

"Hay!" Hinawakan ni Check ang kanyang noo. Pumilas siya ng isang pahina sa kanyang notebook at ikinuyumos iyon.

"Isa pang bato, hindi kita pakakainin nito mamaya."

"Hindi ko naman sa'yo ibabato, Kuya. Doon, oh." Ginawang basketball ring ni Check ang maliit na basuran na malapit sa ref.

"Huwag mo akong sisisihin kapag bumagsak ka. I told you, hindi biro ang pag-aaral sa Prime University," seryosong sabi ni Xyro. Pinatay nito ang gas stove at muling humarap sa kapatid.

Inipit ni Check ang hawak niyang ballpen sa pagitan ng kanyang ilong at itaas na labi. Sinisinghot niya iyon para hindi mahulog. Tinignan lang niya si Xyro at saka ini-ngiti ang mga mata.

"Check, bakit kasi sinundan mo pa ako dito? Isang taon na lang ga-graduate ka na, anong pumasok sa isip mo at pinili mo pang pumasok sa Prime University?" Hinila ni Xyro ang isang silya at saka umupo doon.

Inalis ni Check ang ballpen sa kanyang ilong. "Miss na kasi kita, Kuya. Ayaw mo bang magkasama tayo?"

"You don't really know what you're doing," ani Xyro habang umiiling.

Sumimangot si Check. "Kuya, huwag mong paduguin ang ilong ko. Pwede ba? Kapag naubusan ako ng dugo, kasalanan mo."

"See? Paano ka papasok sa P.U kung ganyan ka." Sinapo ni Xyro ang noo nito.

MS.RIGHT (published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon