CHAPTER: 14 (Agent Check)

179K 5.6K 1K
                                    

ARAW ng Linggo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ARAW ng Linggo. Kahapon pa hindi mapakali si Check. Dala niya mula pagkauwi niya kahapon ang tungkol sa misteryosong lalaki na nagmagandang loob na tumulong sa kanya. Hindi niya magawang tutukang gawin ang assignments niya dahil sa pilit na pagsiksik sa isipan niya ng pangyayari iyon kahapon.

Napaangat ang ulo ni Check nang tumayo sa harapan niya ang kuya niyang si Xyro. Bitbit nito ang notebook at dalawang libro nito.

"Invisible ba ang tinta ng ballpen mo?" pangunang sambit nito habang nakatingin sa notebook ni Check.

Kumunot ang noo ni Check. "Huh?"

"Mag-iisang oras ka na dyan sa pwesto mo. Kahit isang salita o letra manlang wala ka pang nasusulat dyan sa notebook mo."

Yumuko si Check para tignan ang kanyang notebook pagkatapos ay muli niyang tinignan si Xyro. Sinimangutan niya ito at saka niya ipinaikot-ikot ang kanyang ballpen sa kanyang mga daliri.

"Hindi yung tinta ng ballpen ko ang invisible, Kuya... yung utak ko."

Tumabi si Xyro kay Check. Inilapag nito ang bitbit nitong libro at notebook. "Kung wala ka pang balak magsulat, pahiram muna ng ballpen mo nang magkaroon naman 'yan ng silbi." Inagaw nito ang ballpen ni Check sa kanyang kamay.

Hindi na nagreklamo pa si Check dahil wala pa naman talaga siyang maisulat doon sa assignment niya, sinabayan pa 'yon ng kakaisip niya doon sa lalaking tumulong sa kanya.

Binuklat ni Xyro ang notebook nito. Agad na sinilip ni Check ang sulat kamay nito at nang makita niya iyon ay napataas ang kanyang kilay. Maganda at malinis magsulat si Xyro kumpara sa sulat niya na parang kinahig ng manok.

Pasimpleng sinusulyapan ni Check si Xyro. Paano ko ba itatanong 'yon? Hay! Baka kung anong isipin ni Kuya sa akin.

"Kamusta ang pag-aaral mo sa school? Well, I'm sure it's hard for you to understand your lessons," biglang usap ni Xyro habang nakatutok pa rin sa isinusulat nito.

Sumipol si Check. "Luh! Alam mo naman pala eh, tinatanong mo pa."

"I'm just reminding you. At the end of this school year mo lang malalaman kung ano ang kinahinatnan ng ginawa mong pag-aaral. It's for you to find out kung ano ang gine-grade sa'yo ng professors niyo bawat grading period, dahil hindi nila talaga 'yon sinasabi."

"Oo na po," maiksing tugon ni Check.

Isang katahimikan ang naganap. Kunwari ay nagbabasa si Check ng kanyang libro pero ang totoo ay bumebwelo lang siya para itanong ang isang bagay kay Xyro.

"Kuya," tawag ni Check.

"What?" tugon ni Xyro habang nagsusulat.

MS.RIGHT (published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon