CHAPTER: 38 (The Warmest Place)

153K 7.8K 1K
                                    

"KAPAG ganitong malakas ang ulan, ang sarap matulog

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"KAPAG ganitong malakas ang ulan, ang sarap matulog."

Humikab si Xyro habang inuunat paitaas ang mga kamay nito. Kinuha nito ang dalawang throw pillow sa inuupuang sofa, ipinagpatong iyon, at saka hinigaan.

"Luh! Si Kuya! Tulugan ba naman ang ulan. Ang tamang gawin kapag malakas ang ulan ay maligo sa labas." Todo ngiti si Check. "Yiee! I'm so excited and I just can't hide it! I'm about to lose control and I think I like it," napakanta pa siya habang kumekembot.

Hinubad ni Check ang suot niyang pambahay na tsinelas. Tumakbo siya para lumabas ng bahay pero pagkatapat pa lang niya sa sofang hinihigaan ni Xyro ay napahinto siyang bigla nang patamaan siya nito ng isang throw pillow sa kanyang mukha.

Dinampot niya ang throw pillow at inihagis pabalik kay Xyro. Imbis na matamaan ay sinalo lang nito iyon at saka inilagay nito sa paanan.

"Don't you dare to go outside, kundi itong hinihigaan ko na ang ihahagis ko sa'yo," banta nito habang nakapikit.

Namaywang si Check. "Wooshoo! Ang kj mo, Kuya. Masyado kang seryoso. Maaga kang magkakaroon ng mga sprinkles sa mukha."

Napailing si Xyro kahit na ito ay nakahiga. 'Sprinkles?'

Dumila si Check kahit na hindi naman siya nakikita ni Xyro. Sinimulan niyang mag-tip toe papunta ng main door habang ang kanyang mga mata ay nakatingin dito. Nang marating na niya ang doorknob ay dahan-dahan niyang ipinihit iyon.

"Isa!" warning ni Xyro.

Nilinga niya si Xyro at nakita niyang lumipad sa ere ang isa pang throw pillow. Agad siyang yumuko para iwasan iyon. Nangaasar na dumila siya at pagkatapos ay mabilis na lumabas ng pintuan.

"Ano ba, Check?! May bagyo ngayon!" pahabol na sigaw ni Xyro.

Napahawak sa sentido si Xyro. 'Please! In the future, kapag nagka-anak ako...huwag naman sanang kagaya ng kapatid ko. Maaga akong tatanda at mamamatay sa konsumisyon!'

Sa labas ng bahay, tuwang-tuwa si Check nang maramdaman na niya ang malakas na patak ng ulan sa kanyang katawan. Nagpaikot-ikot siya habang nakalahad ang mga kamay. Tumakbo siya papunta roon sa puno na malapit sa tapat ng kanilang bahay. Parang batang sabik na naglaro siya roon, nagpaikot-ikot, patalon-talon, at nahiga pa sa damuhan.

"Umulan ka pa. Huwag kang hihinto."

Pumikit siya habang dinadama ang patak ng ulan na dumudulas sa kanyang mga pisngi. Inihiga niya ang kanyang ulo sa kanyang pinagsalikop na mga kamay.

Dumilat si Check at saka ngumiti. 'Bike! Tama! Gusto kong mag-bike!'

Agad siyang tumayo mula sa pagkakahiga sa damuhan. Patakbo siyang nagpunta sa kanilang garahe para kunin ang kanyang bike.

MS.RIGHT (published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon