CHAPTER: 58 (Xyro, The Nice Guy)

146K 5.2K 439
                                    

"SI BRIGHT pa rin daw ang maghahatid sa'yo, not me

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"SI BRIGHT pa rin daw ang maghahatid sa'yo, not me. And besides, hindi rin ako makakauwi agad. May research akong gagawin."

Inilipat ni Xyro sa kaliwa niyang tenga ang hawak niyang cell phone. Kausap niya si Check sa kabilang linya, nagtatanong ito kung sabay ba silang uuwi ngayon dahil tapos na ang klase nito.

"Okay. Ingat ka pag-uwi mo, ha? Kukunin ko nga pala 'yong last na potato chips, Kuya."

"Wait! Dalawa na 'yong kinuha mo, 'di ba?" tanong niya.

"Ubos na, eh."

"Grabe ka! Bakit ba ang takaw mo sa junkfood?"

"Bye, Kuya! Love you!"

Nakasimangot na ibinalik ni Xyro ang kanyang cell phone sa bulsa. "Matutuwa pa siguro ako kung 5 years old ang iniintindi ko at hindi siya."

Matapos ang mahigit dalawang oras sa library ay nagdesisyon na rin siyang umuwi. Nagsisimula na ring dumilim at nag-uwian na ang lahat ng mga Professors.

Nakasabay niya sa pagbaba ang pinakamatandang Professor na nagtuturo sa school. Inalalayan niya iyon hanggang sa marating nila ang labasan ng school.

"Kayo talaga, oh. Dapat po e nasa bahay na lang kayo sa edad niyong 'yan," ani Xyro. Bitbit niya ang bag at dalawang libro ni Professor Magno. "Hindi na dapat kayo nagpapagod, eh."

"Naku sinermunan pa ako ng batang ito. E diyan lang naman ang bahay namin, eh," anang matandang professor at saka ngumiti na bihira nitong gawin lalo na't kilala ito sa pagiging isang terror teacher nito. "Walang mangyayari sa akin kung sa bahay lang ako. Lalo akong manghihina doon," katwiran nito.

Sinaluduhan ng tatlong private securities si Xyro pagkalabas niya. Iniabot niya ang mga dalahin ni Professor Magno sa sumalubong na apo nito sa entrance ng school.

Bumalik si Xyro para kunin ang kanyang motorbike. Dinaanan niya muna ang lahat ng bantay ng school para paalalahanan ang mga ito. Paglabas niya ay muli siyang sinaluduhan ng tatlong bantay sa bagong gate ng Prime University.

"Be safe, pangalagaan niyo rin ang sarili niyo," paalala ni Xyro.

Matapos magpaalam ay umalis na siya. Isang kilometro lang ang layo sa P.U ay may nadaanan siyang kahina-hinalang apat na lalaki sa gilid ng madilim na kalsada dahil sa napupundi ng ilaw ng poste.

Sinilip niya ang mga iyon sa kanyang salamin nang makalagpas na siya. Gustuhin man niyang makita ang mga mukha nito ay hindi niya nagawa dahil sa kakulangan ng sapat na liwanag. Tanging ang apat na nakasinding sigarilyo lang ng mga ito ang kanyang naaninagan.

Alam niyang sinundan siya ng tingin ng mga ito dahil nang makalayo na siya ng tuluyan ay doon lang gumitna sa kalsada ang apat na lalaki. Base sa kanyang nasilip sa salamin ay nakatanaw ang mga iyon sa kanya.

MS.RIGHT (published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon