CHAPTER: 56 (Unexpectedly)

153K 5.2K 680
                                    

"ARAY naman! Makabatok naman 'to, wagas

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"ARAY naman! Makabatok naman 'to, wagas."

Hinimas ni Hendrix ang ulo matapos itong batukan ng malakas ni Check dahil lang sa pinagtawanan siya nito tungkol doon sa pagsagot niya sa board kanina. Oras iyon ng Math subject nila.

"Parang ikaw nasagot mo 'yong tanong sa board, hindi rin naman," inis na sabi ni Check. Pumorma siya ng isa pang pagbatok kay Hendrix pero agad na itong lumayo.

Mahinhing tumawa si Rue. Si Jane naman ay nakalabas ang mapuputing mga ngipin dahil sa malaking pagngiti.

Oras na ng pag-uwi nila. Tinext ni Check si Bright para magpaalam na hindi siya sasabay ng pag-uwi dito dahil balak nilang magkakaibigan na kumain ng magkakasama sa labas.

Nakasama si Jane sa kanila dahil nagkaroon ng emergency ang Professor nito kaya maaga itong na-dismiss. Ikinatuwa naman iyon kahit paano ni Jane dahil sa kagustuhan na rin nitong makasama sa binabalak na lakad nina Rue, Hendrix at Check.

"Iyon na nga ang masama, eh. Alam mong mali 'yong sinagot ko, inulit mo pa. Laughtrip ka!" tumatawang sabi ni Hendrix. Umiiwas ito sa kanya. "Ka-engot-engotan kasi. Haha!"

Hinabol ni Check ang panay iwas na si Hendrix. Napahinto siya sa pagtakbo nang biglang tumunog ang kanyang cell phone. Kinuha niya iyon at agad na sinagot.

"Hindi ka pwedeng umalis!"

Nagulat si Check dahil sa ibinungad sa kanya ni Bright sa kabilang linya. Humugot siya ng malalim na paghinga at saka rin bumuga.

"Tatlo naman ang kasama ko—"

"Kahit na!"

"Ang o.a mo, ha!" Ngumuso siya. "Ba-bye na. Pababa na kami, eh," aniya sabay baba na ng tawag ni Bright. Hindi na niya inantay pa ang sasabihin nito.

Ilang saglit lang ay nakababa na sina Hendrix, Rue, Jane at Check ng high school building. Papunta na sila ng parking ng school nang makarinig sila ng mabilis na pagharurot ng mga motorbike sa kanilang likuran. Paglinga nilang apat ay nakita nilang parating ang buong PRIME.

'Hay naman!' Napakamot ng ulo si Check.

Iniharang ni Bright ang motorbike nito sa daraanan nina Check. Hinubad nito ang suot na helmet. Tumambad agad sa kanya ang nakabusangot na mukha nito.

Hile-hilerang huminto rin ang PRIME at gaya ni Bright ay nagtanggal rin ng mga suot na helmet ang mga ito. Nilinga nila si Bogz na parating pa lang mula sa kanilang likod.

"Wait for me!" sigaw ni Bogz. Nag-ilingan ang PRIME.

"Hindi tayo papasok ng dalawang subject ngayon and I like it," ani Jam habang nakasilip sa salamin ng motorbike nito. "Sh*t! Ang guwapo ko."

"Ayos, ha! Ang bibilis niyo talagang magsikilos. Pagkatawag ni Bright, 3 minutes lang nakarating na kayo agad," ani Xyro.

"Ano ba'ng meron?" tanong ni Gavin.

MS.RIGHT (published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon