CHAPTER: 15 (Surot And Krung)

180K 5.7K 1.5K
                                    

TAAS-NOONG pumasok si Check sa loob ng kanilang classroom

Ops! Esta imagem não segue as nossas directrizes de conteúdo. Para continuares a publicar, por favor, remova-a ou carrega uma imagem diferente.

TAAS-NOONG pumasok si Check sa loob ng kanilang classroom. Alam niyang masama ang tingin ni Wendy at ng buong barkada nito sa kanya pero hindi niya pinansin ang mga ito. Dire-diretso lang siya sa pagpasok hanggang sa marating niya ang kanyang upuan.

"We're not yet done. Hindi ka pa namin tapos pag-trip-an," bulong ni Wendy na nasa likuran ni Check. "Just watch out for yourself. Baka mamaya, bukas or sa ibang araw, bigla na lang may humarang sa dadaanan mo at paiyakin ka ng husto."

Nanatiling nakaupo lang ng diretso si Check. Kahit malinaw sa kanyang pandinig ang sinabi ni Wendy ay pinilit niyang pakalmahin ang kanyang sarili.

"Nagkamali talaga ang PRIME na ipatigil ang pagpapahirap sa'yo," sabi ni Faye na nasa kanan ni Check. "Tandaan mo, darating din yung oras na maglalaho ka na lang basta. You will realize that you don't belong here. Hindi ka bagay dito sa Prime University."

"So true, girl," ani Rhea habang sinusuklay nito ang buhok.

"Why so tanga ba? I can't even realize na nakakatungtong pala ng highschool yung ganyang klase ng pag-iisip," hirit ni Lyka na nasa kaliwa ni Check.

"Oh gosh! I'm so natatawa na lang. Haha!" maarteng sabi ni Tiffany sabay tawa.

"Naloloka kame sa baba ng I.Q mo. Nakakapagtaka nga eh, dahil parang matalino pa ang mga maids namin sa bahay kaysa sa'yo." Halata sa boses ni Wendy ang pang-aasar nito.

Isinara ni Check ang kanyang mga palad na nakapatong sa kanyang arm chair. Pakiramdam niya ay naglabasan ang mga ugat niya sa mukha dahil sa mga sinabi ng limang magkakaibigan.

"Ambisyosa rin ang babaeng 'yan. I saw her, kinakausap niya ang PRIME na akala mo naman close sila. Gosh! Nahuli ko pa na nginingitian niya ang Yohan ko!" maarteng sabi ni Lyka.

"The nerve." Pinaikot ni Tiffany ang mga mata nito.

"Just a reminder. Huwag kang mangangarap ng masyadong mataas gaya ng PRIME." Inilapit ni Wendy ang bibig nito sa likuran ni Check. "Dahil kung ang pag-aaral pa lang dito sa Prime University ay hindi na akma for you... well, don't be so ambitious dahil mas lalong hindi ka bagay na maging girlfriend ng kahit na sino sa PRIME."

Mabilis na humarap si Check sa kanyang likuran at hinila niya sa may kwelyuhan si Wendy. Nanlaki ang mga mata nito sa gulat gayon din ang apat pa nitong mga kaibigan na napatayo sa kani-kanilang upuan.

"Kayo, ha! Huwag niyo akong daanin sa mga pananakot niyo, dahil hindi ako natatakot sa inyo!" Lalong hinigit ni Check si Wendy. Tumayo na siya ng kanyang upuan at sumabay naman ito sa pagtayo.

"Let go of me!" malakas na utos ni Wendy.

Ang lahat ng mga estudyante sa kwartong iyon ay nakatingin sa kanila. Wala pa ang professor nilang si Professor Perez kaya malakas din ang loob ni Check na umalma sa ginawang pagmamaliit ng grupo ni Wendy sa kanya.

MS.RIGHT (published under PSICOM)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora