CHAPTER: 22 (Jane Vs. Yohan)

173K 5.1K 440
                                    

KATATAPOS lang ng isang madugong quiz

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

KATATAPOS lang ng isang madugong quiz. Oras na para i-check kung ilang puntos ba ang nakuha ng bawat isa. Kanya-kanyang check ang lahat ng sarili nilang papel habang sinasabi ni Professor Mendoza ang tamang sagot.

Palagay ang naka-cross legs pa na si Jane habang chine-check ang kanyang papel. Napangiti siya nang sabihin na ni Professor Mendoza ang tamang sagot para sa huling question ng quiz nila sa Social Science na umabot din ng 50 items.

Sinulyapan ni Jane ang katabi niyang si Yohan nakita niya na tahimik lang ito habang nakatingin sa sariling papel. Kahit hindi nito siya nakikita ay inirapan niya ito.

"Okay. Is there anyone who got a score of 30 or less?" anang babaeng Professor na nasa harapan.

Tumaas ang kamay ng isang estudyanteng lalaki. "Ma'am, I only got a score of 28."

"You again, Mr.Valle? You should study more, okay? Madalas na mababa ang score mo sa mga quiz natin."

Nahihiyang tumango ito. "Yes Ma'am. I will po."

"Okay, your paper please." Inilahad ni Professor Mendoza ang kamay nito.

Tumayo yung lalaki at saka ibinigay kay Professor Mendoza ang papel nito. Nagkakamot ng ulo na bumalik itong muli sa upuan nito.

"29? 30? 31?" tawag ni Professor Mendoza sa unahan para kunin ang mga papel.

Isa-isang naglapitan ang mga estudyante kapag natatawag ang nakuha nilang marka. Pasimpleng tinitignan ni Jane kung tatayo na ba si Yohan para iabot ang papel nito pero umabot na ng 40 ay nanatiling kalmado ito habang nakaupo.

"47?" tawag ni Professor Perez. Lumapit ang dalawang estudyante. "48? Anyone?" Nilinga nito ang paligid.

Nadismaya si Jane. Akala niya ay tatayo na si Yohan dahil umangat ang pwet nito sa upuan iyon pala ay dahil dinampot lang nito ang nalaglag nitong ballpen.

"50?" malakas na sambit ni Professor Mendoza.

Napalinga si Jane kay Yohan dahil sabay silang tumayo. Sabay din silang naglakad papunta sa gitna. Maririnig ang palakpakan sa buong klase at mga bulungan.

"Yiee! Ang galing talaga ng Baby Yohan ko."

"Nice! Ang talino talaga ni Jaztine, 'no?"

"Lodi! Petmalu!"

"Gwapo na, matalino pa. Hay!"

"So nice! Silang dalawa talaga ang magkakalaban niyan sa top."

Napatingin ng masama si Jane nang bahagyang mabunggo siya ni Yohan habang naglalakad sila papunta sa harapan. Nang makalapit sila kay Professor Mendoza ay nagkasabay din sila sa pag-abot ng kanilang mga papel.

"Okay. Let me check this first," nakangiting sabi ni Professor Mendoza.

Nagbalik na sina Yohan at Jane sa kani-kanilang upuan. Tahimik lang ang buong klase dahil ayaw na ayaw ni Professor Mendoza na nag-iingay ang mga estudyante nito.

MS.RIGHT (published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon