CHAPTER: 40 (Threat)

153K 5.2K 1K
                                    

"HOY, Pakrung! See me after your class

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"HOY, Pakrung! See me after your class. Don't try to run away. I'm telling you, you wouldn't like it when I get mad."

Umalingawngaw ang sinabing iyon ni Bright sa buong Prime University

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Umalingawngaw ang sinabing iyon ni Bright sa buong Prime University. Nasa school radio broadcast room siya para lang i-on air ang mensahe niyang iyon para kay Check.

Siniko ni Jam ang nasa kanan nitong si Jaxx. "What do you think? Is it real? Or is it real?" nakangising tanong nito.

"Real na real, Bro," nakangisi ring sagot ni Jaxx.

"You think so?" tanong ulit ni Jam habang nakalagay ang kamay sa baba nito.

"Final answer," tugon ni Jaxx.

"Waah! No! Hindi puwede," ngawa ni Bogz habang ito ay umiiling. "Gusto ko si Check, eh," malungkot na dagdag nito.

"Eh ang tanong, gusto ka ba niya?" sabat ni Gavin sabay kabit ng earphones sa tenga nito.

"Sa akin pa lang, hindi ka na papasa," sabi naman ni Xyro.

"Ang sakit... Ang sakit-sakit," ani Bogz habang nakahawak sa dibdib nito. "Oh my God! My heart is..." pag-iinarte nito.

Napangiti na lang si Yohan sa mga naririnig nitong usapan ng lahat. Tiningnan nito si Bright, napansin nitong tahimik lang siya habang nakatingin sa kanila. Nginitian siya ni Yohan pero wala naman siyang isinukling reaksyon dito.

Naglakad na si Bright palabas. Sinundan siya ng tingin ng PRIME. Bago tuluyang lumabas ay humarap muna siya sa lahat.

"It's real."

Tumalikod na si Bright at naunang lumabas sa kuwartong iyon. Nagtinginan ang PRIME pagkatapos ay saka mga nagsi-high five ang mga ito.

Samantala, habang nasa kalagitnaan ng kanyang klase ay nakasubsob si Check sa bagong-bago nilang table. Hindi niya maiangat ang kanyang mukha dahil sa hiya. Alam niya kasing pinagtitinginan siya ng kanyang mga kaklase kahit pa ang dapat na intindihin ng mga ito ay ang pagkopya sa isinusulat ni Professor Perez sa harapan.

MS.RIGHT (published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon