CHAPTER: 6 (Student Council)

189K 6.1K 472
                                    

"THEY look hotter compare last year

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"THEY look hotter compare last year."

"Oo nga! Correct ka dyan girl. Oh my God! Grabe ang kilig ko nung nakita ko sila kanina."

Nakasimangot si Check habang nakatingin sa dalawang estudyanteng nasa tagiliran niya na halos kasabay niyang maglakad. Naririndi na siya dahil sa lakas ng boses ng mga ito na ang pinaguusapan ay ang PRIME.

Napatigil sa paglalakad si Check nang makita niya ang isang pamilyar na lalaki. Nagtiim ang bagang niya. Agad siyang dumampot ng isang bagay na sagot para makabawi siya sa ginawa noon sa kanya.

"Pagti-tripan kita ngayon, bwiset ka," nakangising sabi ni Check.

Binato ni Check yung classmate niyang lalaki sa likod ng ulo nito at nagmadali siyang kumubli sa likod ng isang puno

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Binato ni Check yung classmate niyang lalaki sa likod ng ulo nito at nagmadali siyang kumubli sa likod ng isang puno. Sinilip niya ito at napahagikgik siya nang makita niyang panay ang linga nito para hanapin kung sino yung bumato.

Muling dumampot si Check ng isa pang maliit na bato. Hinintay niya na muling tumalikod yung kaklase niyang lalaki at saka niya iyon muling binato. Agad na humarap ulit yung lalaki kung kaya't patalikod na kumubli ulit si Check sa may puno.

"Hahaha!" tawa ni Check habang pumapadyak sa tuwa.

Nakakita si Check ng isa pang bato at dinampot niya iyon. Nanlaki ang mga mata niya dahil pagkaharap niya ay nasa gilid na pala niya yung lalaking kaklase niya. Inagaw nito sa kanya yung bato na kadadampot lang niya at itinapon iyon.

"Ang engot mo talaga eh, 'no? Akala mo ba hindi kita mapapansin ha?" Inilapit nung lalaki yung mukha nito kay Check kung kaya't lalo siyang napasandal sa puno.

"Maka-engot ka wagas!" malakas na sagot ni Check.

"Oh bakit? Totoo naman, ah! Sumakit ang ulo ko sa'yo kanina. Pagpapakilala lang sa harapan hindi mo pa magawa ng maayos. Hahaha!" pang-aasar nito sa kanya sabay tawa ng malakas kagaya ng tawa nito kanina sa kanilang klase.

Itinulak ni Check yung lalaki sa dibdib para makaalis siya mula sa pagkakasandal niya sa puno. Sinamaan niya ito ng tingin at winari niya ang itsura nito.

MS.RIGHT (published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon