CHAPTER: 20 (A Night With Them)

167K 5.7K 1.6K
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"ANONG meron? May pa-party ba ng mga surot dito?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"ANONG meron? May pa-party ba ng mga surot dito?"

Nagtawanan sina Jam, Jaxx at Bogz, maging si Gavin ay nakisali na rin. Si Yohan at Xyro naman ay hindi napigilan ang mapangiti.

"I invited them to come," ani Xyro.

"Lapitin ka sa aksidente, 'no? Sariling bahay niyo na nadudulas ka pa," biglang sabi ni Bright na malapit lang sa gilid ni Check. Ipinagpatuloy na nito ang paglalakad.

Sa inis ni Check ay iniharang niya ang kanyang paa sa dadaanan ni Bright. Nabiktima noon si Bright. Natisod ito pero dahil sa pagiging alerto ay hindi naman ito napadapa gaya ng inaasahan niyang mangyari.

"OWW!" Sabay na napatayo sina Gavin at Yohan.

Tumayo din si Jam. "Nakanamputs!"

"Check!" sita ni Xyro dahil sa ginawa ng kapatid.

"War in the house yow!" nakangising sabi ni Jaxx.

"Haha! Ang cute niya," sambit ni Bogz na kay Check nakatingin.

Mabilis na binalingan agad ni Bright si Check. "Ikaw! Ginagalit mo talaga ako 'no?!"

Namaywang si Check. "Hoy! Huwag mong pairalin ang kayabangan mo dito, ha?Baka nakakalimutan mo, nasa bahay ka namin ngayon. Hindi 'to school kaya umayos ka! Hmp!" Umirap siya. "Hindi pwede dito yung ganyang kadilim na mukha mo! Tapatan kita ng bumbilya dyan eh!"

Nagsalubong ang mga kilay ni Bright dahil sa sinabi ni Check. Tutok na tutok naman sa kanila ang lahat na wari'y inaantay kung ano ang mangyayari.

Agad na nilapitan ni Xyro si Check at saka inilayo kay Bright. "Ah guys, luto na ang hapunan kanina pa. Come on, let's eat," pag-iiba nito ng usapan para makaiwas sa gulo.

"Okay kainan na raw!" Agad na tumayo si Bogz mula sa kinauupuang sofa.

"Aww! Akala ko pa naman may round two ng magaganap sa kanilang dalawa," panghihinayang ni Jaxx.

MS.RIGHT (published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon