CHAPTER: 60 (Triple Date)

149K 5.5K 685
                                    

LUMAPIT sina Yohan, Xyro at Bright sa kanilang mga ka-date

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

LUMAPIT sina Yohan, Xyro at Bright sa kanilang mga ka-date. Napakunot ang mga noo ng tatlo nang makitang may kanya-kanyang hawak na laruang baril ang tatlong babae habang seryosong binabaril ang target nila sa kani-kanilang screen ng machine.

Tahimik na pinanood lang ng tatlo ang paglalaro nina Rue, Jane at Check. Napapangiti sila dahil sa sari-saring lumalabas sa bibig ng mga ito habang bumabaril. Kapwa tumitili sina Rue at Jane pero si Check naman ay napapabulong ng mura tuwing kakalabitin nito ang laruang baril na hawak nito.

"Seriously? Sa dami ng puwedeng laruin, iyan talaga?" mahinang sabi ni Yohan na nasa likuran ni Jane.

"Go away! Nadi-distract ako sa'yo, eh!" anang si Jane pero ang mga mata ay nakatuon pa rin sa binabaril nito.

Napaatras si Jane dahil sa pagkagulat nang biglang may lumabas na target sa gitna ng screen. Na-apakan nito ang paa ni Yohan. Nawalan ito ng balanse kaya napakapit ito sa magkabilang balikat ni Yohan. Mabilis namang kinapitan nito sa bewang si Jane.

Nagkatitigan ang dalawa. Nanatili sila sa kanilang posisyon ng ilang segundo. Nang mahimasmasan si Jane ay kumalas ito kay Yohan at hinampas nito ito imbes na magpasalamat.

"Kainis ka kasi! Haharang-harang ka diyan sa likod ,eh!" asar na sabi ni Jane.

"Wow! Thanks, ha! Dapat pala umatras ako para napa-upo at nabalian ka na."

Samantala, nahinto sa pagbaril si Rue nang maramdaman nitong nasa likod nito si Xyro. Nahihiyang sinulyapan nito ito. Nakita nito na nakangiti ito sa kanya.

"Go on. Bakit ka huminto?"

Dinikitan ni Xyro si Rue sa likuran nito. Itinaas nito ang kamay ni Rue kung saan naroon ang laruang baril. Nagmistulang nakakulong ito kay Xyro. Dahil doon ay lalo tuloy itong hindi mapakali. Iginigiya ni Xyro kung saan nito itututok ang baril at wala na lang itong ginawa kundi ang kalabitin ang gatilyo noon.

"Lalo kang naging cute dahil sa larong 'to," ani Xyro na nasa likuran pa rin ni Rue.

Napakagat-labi si Rue sa hiya pero natuwa ito sa narinig. "Compliment ba 'yan o pang-aasar?"

"Hmm...same?" nakangiting sagot ni Xyro.

Mayamaya lang ay sabay-sabay na nilinga nina Xyro, Yohan, Rue at Jane sina Check at Bright nang makarinig silang apat ng sigawan. Nakita nilang nag-aagawan ang dalawa sa baril.

"Maghanap ka ng lalaruin mo! Ako ang nauna, eh!" sigaw ni Check kay Bright.

"Eto ang gusto ko, eh!"

MS.RIGHT (published under PSICOM)Where stories live. Discover now