CHAPTER: 49 (He's Not Jealous)

150K 5.1K 398
                                    

"OH, DRIX! Napatawag ka?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"OH, DRIX! Napatawag ka?"

Dumapa si Check sa kanyang kama. Inabot niya ang kanyang earphones na nasa gilid ng kanyang unan at mabilis niyang ikinabit iyon sa kanyang cell phone.

"Hello? Check?"

"Oh? Ano nga 'yon? Inilagay ko lang 'yong earphones ko," aniya habang nakatingin sa screen ng cell phone kung saan makikitang nakarehistro ang mukha ni Hendrix dahil sa inilagay niyang contact display picture.

"Nothing. I just wanna hear your voice. Sanay kasi akong nariring ka araw-araw sa school. Okay ka lang ba ngayon?"

"Oo naman, okay lang ako. Bakit ba?"

"I want to see you, actually."

Kumunot ang noo ni Check. "Next week pa ang pasok natin—"

"Hindi naman kailangang may pasok para magkita tayo, eh."

Biglang naisip ni Check ang inihabilin sa kanya ni Bright, ang iwasan muna niya ang paglabas-labas ng bahay. Hindi tuloy siya makabuwelo kung paano niya iyon sasabihin kay Hendrix.

"Can I visit you there? Puwede ba akong bumisita diyan sa bahay n'yo?"

"Pupunta ka dito?" Umupo siya ng pa-indian seat sa kanyang kama.

"If it's okay with you at sa kuya mo. Bisitang kaibigan lang naman, 'di ba?"

Ngumiti si Check. "Oo ba! Sige wala namang problema. Pero hindi uso ang pakain dito, 'yong bisita dapat ang nagdadala!" tumatawang biro niya.

"Oh! Sure! Iyon lang naman pala, eh. Magdadala talaga ako. Foodtrip tayo."

"Sige, ha? Sabi mo 'yan, ha?" Nakangiti maging ang kanyang mga mata. "Alam mo ba kung paano ang pagpunta rito sa amin?"

"Oo naman. Itatanong ko na lang diyan sa guard ng subdivision niyo kapag nakarating na ako kung saang block kayo."

"Okay, sige," masayang tugon niya. "Bye, Mr.Engot!"

"Bye, Ms.Engot."

Tinapos na ni Check ang tawag. Nanlaki ang mga mata niya nang ang mukha naman ni Bright ang rumehistro sa screen ng kanyang cell phone. Ilang ring din ang pinalagpas niya bago niya sinagot ang tawag nito.

"Sino 'yong kausap mo?!"

"Ano ba?! Nakasigaw ka kaagad diyan!" pagsagot din ng pasigaw ni Check.

Napakunot ang noo niya nang may mahinang mga boses siyang narinig na nag-uusap sa linya ni Bright. May umiimpit ng tawa at may naglikha pa ng tunog na tila may hinampas.

"I'm asking you, Pakrung. Sino 'yong kausap mo? Sagutin mo na lang!"

"Baliw ka bang Surot ka? Ikaw lang naman ang kausap ko ngayon!" Hininaan ni Check ang volume ng cell phone niya dahil sa lakas ng rumerehistrong boses ni Bright dahil sa pagsigaw nito.

MS.RIGHT (published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon