CHAPTER: 29 (Transferee)

157K 5.5K 1K
                                    

"MY HEAD is overheating! Why my chair gone?!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"MY HEAD is overheating! Why my chair gone?!"

Overheating? Hindi mainpinta ang mukha ni Hendrix habang nakatingin kay Check.

Pumadyak si Check habang nakatingin sa puwesto kung saan dapat nandoon ang kanyang upuan. Halos mabali na ang braso ni Hendrix sa kakahila niya noon habang siya ay pumapadyak.

Tumayo si Hendrix at saka iniurong ang upuan nito para ibigay kay Check. "Here! Maupo ka na. Para kang ewan dyan. Babalian mo pa ako ng braso sa ginagawa mo."

"Nag-breaktime lang, nag-disappears na yung chair ko!" inis na sabi ni Check.

"Walang "s" dapat," pagtatama ni Hendrix na nakatayo. Inupo nito si Check sa upuan nito.

"Oh, edi diappears," ani Check na nakasimangot.

"Oo na lang," ani Hendrix sabay tango. "Sa'yo na muna 'yang upuan ko. Wala na kasing extra chair ngayon, inalis na."

"Alangan namang tumayo ka dyan magdamag? Dalawang oras pa ang klase natin," sabi ni Check habang nakatingala kay Hendrix. "Sino ba kasing kumuha ng upuan ko? Tsk!"

Iginala ni Check ang kanyang mga mata sa mga upuan na nandoon sa classroom nila. Nagbabakasakali siya na makita niya ang kanyang upuan.

"Drix!"

Biglang hinila ni Check ang kamay ni Hendrix. Sa lakas ng pagkakahila niya ay muntikan pang mapasubsob si Hendrix sa kanya.

"Ano ba 'yon?"

"Yung upuan ko, ayun oh." Itinuro ni Check ang kanyang upuan na nandoon sa bukana ng pintuan, unang hilera ng mga upuan sa may harapan.

"Paano mo naman nasabi na sa'yo 'yon?" tanong agad ni Hendrix habang nakatingin doon sa upuan.

"Nilagyan ko 'yon ng tanda sa likod ng sandalan. Ayon, oh!" Inginuso ni Check yung drawing niyang maliit na smiley na nandoon sa likod.

Tinignan ni Hendrix si Check pagkatapos ay saka nito tinanaw ang itinuturo niya. Napangiti ito nang makita nito yung drawing niyang smiley doon sa likod ng sandalan nung upuan.

"Oh sige, kukunin ko."

Maglalakad na sana si Hendrix nang biglang pumasok na classroom si Professor Perez kasunod ang isang estudyanteng babae. Hindi na tuloy nito nagawa pang humakbang.

"Please be seated," sambit agad ni Professor Perez.

Nagsi-upuan agad ang mga estudyante bukod kay Hendrix na walang mauupuan dahil ibinigay nito ang arm chair nito kay Check.

"Tsk! Sayang hindi natin nakuha agad," ani Hendrix habang umiiling dahil sa panghihinayang.

"Sino kaya siya?" mahinang sambit ni Check habang nakatingin doon sa babae.

MS.RIGHT (published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon