CHAPTER: 64 (This Is Not The End)

Start from the beginning
                                    

"Mayamaya lang, ganyan na rin ang magiging hitsura mo. Walang lakas, walang malay, walang kuwenta...walang buhay," anang si Ash habang nakatingin kay Xyro pagkatapos ay nilinga nito si Bright. "Sa girlfriend mo kaya, ano ang maganda naming gawin bago siya tuluyan?" Ngumisi ito ng husto.

Nanlisik ang mga mata ni Bright. Hindi na lang siya umimik. Nagsubok siyang pumiglas sa pagkakatali nito pero sadyang hindi siya makagalaw.

"Kalagan niyo 'yan," utos ni Ash habang nakaturo sa kanya. "Puwede na kayong magpapawis," anito sabay sindi ng sigarilyo.

Agad na kinalagan si Bright sa kanyang pagkakatali. Tumindig siya ng diretso at inilibot ang mga mata para tingnan ang mga taong nasa loob ng may kalawakang kuwarto na iyon. May apat na ZERO doon at walong BREAKERS.

"Namnamin mo kung paano maging isang punching bag!" Sinugod ng suntok ni Ash si Bright sa panga. Parang wala lang sa kanya iyon kung kaya't pumorma pa ito ng isang suntok. "So you're taking it like a champ, ha? Maangas ka pa rin? Then take this!" Magkasunod na suntok ang pinakawalan nito.

Ang sumunod na eksena ay naging isang delubyo para kay Bright. Walang humpay niyang tinanggap ang bawat suntok at sipa ng mga kalaban. Tinatagan na lang niya ang loob niya dahil alam niyang kumikilos na ngayon ang PRIME at ang grupo ni Frank.

Nakita ni Bright ang pag-angat ni Zeth ng silyang inuupuan nito kanina. Alam na niya ang binabalak nitong gawin. Dahil nanlalambot na rin at tila manhid na sa sakit ang buong katawan ay pikit-mata na lang niyang sinalo ang silyang iyon na inihampas sa kanyang katawan.

Kasabay ng pagtalsik ng nasirang sandalan ng silya ay ang pagbagsak ng katawan ni Bright. Sinubukan niyang tumayo pero naramdaman agad niya ang pagbigay ng katawan, dahilan para tuluyan ng mapahiga sa malamig na sahig.

 Sinubukan niyang tumayo pero naramdaman agad niya ang pagbigay ng katawan, dahilan para tuluyan ng mapahiga sa malamig na sahig

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

'Kaya ko pa. Mailalabas ka namin sa lugar na 'to, Check. Hintayin mo lang ang PRIME.'

Samantala, sa kabilang silid ay biglang kinutuban si Check. Tinanaw niya ang may kalayuang pinto kung saan nandoon si Xyro. Naramdaman niya ang mainit na luhang dumaloy sa pisngi.

"Dumating 'yong Bright. Naro'n siya ngayon sa kabila," ani Lance sa mga kasama.

Sa narinig ay biglang nabuhayan ng loob si Check. Alam niyang kung naroon si Bright ay hindi maaaring hindi nito kasunod ang PRIME. Gayon pa man ay hindi maalis ang kaba sa kanyang dibdib sa maaaring mangyari kay Bright sa pagdating nito sa lugar na iyon.

(NP: Butterfly)





















ITINALI si Bright ng nakatayo gaya ng kay Xyro. Alas tres na ng madaling araw. Pakiramdam niya ay marami sa parte ng katawan niya ang nabalian dahil sa ginawang pagbugbog sa kanya ng BREAKERS at ng ZERO. Gayon pa man ay nanatili siyang dilat para pakiramdaman ang nangyayari sa paligid.

MS.RIGHT (published under PSICOM)Where stories live. Discover now