CHAPTER: 64 (This Is Not The End)

Ξεκινήστε από την αρχή
                                    

"Akala ko matino kang kausap," gigil na sabi ni Ash. Huminto ito sa tapat ni Bright. "Masyado kang sabik mamatay, eh!" Binira siya nito ng suntok sa sikmura.

"May pagkabobo ka rin pala, Bright. Tanga mo rin, nagpunta ka nga ng mag-isa!" tumatawang sabi ni Klent.

"Shut the f*ck up!" sigaw ni Ash kay Klent. "Wala ng mas bobobo pa sa grupo mo! Ano ba'ng nagawa niyo? Puro lang kayo angas at porma, mga wala naman kayong kuwenta!"

Nagpinting ang tenga ni Klent na leader ng ZERO sa sinabi ni Ash na leader naman ng BREAKERS. Susugod sana si Klent kay Ash pero mabilis na itinutok nina Gervin, Lance, at Zeth ang kanilang mga baril. Nakangising itinutok din ni Ash ang baril nito kay Klent. Silang apat ang may mga baril na hawak sa kanilang grupo.

"Umayos ka kung ayaw mong isama ko ang katawan mo at ng buong grupo mo sa palabas ko mamaya," mariing sabi ni Ash.

Itinali sa isang silya si Bright gaya ng ginawa nila kay Check. Nakaikot ang lubid sa katawan niya habang nakatali ang mga paa at kamay. Kumuha si Ash ng silya at ipinuwesto iyon sa kanyang tapat. Umupo ito habang nakangising tinitingnan ang walang kalaban-laban na bihag.

Ilang saglit lang ay tumunog ang cell phone ni Ash. Kinuha nito iyon sa suot nitong leather jacket at sinagot agad ang tawag. Mataman nitong pinakinggan ang sinasabi ng nasa kabilang linya.

"What?! No! Huwag kang pupunta rito! Huwag mo akong paandaran ng ganyan. Huwag mo akong galitin—" nahinto ang nais sabihin ni Ash nang babaan na ito ng kausap. "F*cksh*t!"

Pinalapit ni Ash si Calvin at saka ito bumulong. Tumango naman si Calvin at mabilis na tumalima para sundin ang ibinulong na utos.

Binalingan na ni Ash si Bright. Dumekwatro ito ng upo habang nilalaro ang baril na hawak nito. "Siguro naman may idea ka na sa mangyayari sa'yo ngayon?" Tinapik ng paa nito ang kanyang tuhod. "Hindi ako tanga para hayaan kang makalabas ng buhay sa lugar na 'to kasama ang kaibigan at ang girlfriend mo."

"Nasaan sila? Gusto ko silang makita!" sigaw ni Bright.

"Relax. Huwag mo akong sigawan. Baka makalabit ko 'to... Mapaaga ang buhay mo. Ikaw din, baka lalong hindi mo sila makita."

"Huwag mo silang idamay! If you want to take my life then just f*cking do it! Pakawalan mo sila. Sumunod ka sa usapan!" gigil na sabi niya.

Inilapit si Ash ang baril nito at idinikit iyon sa kanyang noo. "Masyado ka pa ring matapang! Badtrip talaga ako sa'yo e, noon pa. Kaya nang malaman ko ang kalokohang nagawa mo, nabuhay na naman ang galit ko sa'yo!" Itinulak-tulak nito ang noo niya gamit ang baril. "Akala ko sapat na ang pagkuha ko ng buhay ng Dad mo kapalit ng kinuha niyang buhay ng Dad ko. Yeah! You heard it right. Hindi aksidente ang pagkamatay ni General Thompson Villareal."

Nanginig ang labi at nagtiim ang bagang ni Bright dahil sa kanyang narinig. Sa sinabing iyon ni Ash ay nagkaroon na siya ng ideya na makilala ito. Naramdaman niya nang kalasin sa likod ang nakataling blindfold sa kanyang mga mata.

Naningkit ang mga mata ni Bright. "You?!" Tiim-bagang na tinitigan niya ng masama si Ash.

"Ako ang nagplano para lumabas na isang aksidente ang pagkamatay ng ama mo," nakangising sabi ni Ash.

"Hayop!" malakas na sigaw ni Bright kay Ash habang nanlilisik ang kanyang mga mata. "Papatayin kitang hayop ka!"

"Hahaha!" malutong na tawa ni Ash. "Ulol! Ano'ng mgagawa mo sa hitsura mong 'yan?!"

Iginala ni Bright ang kanyang mga mata. Nakita niya ang nakatali ng nakatayo na si Xyro. Wala itong malay na nakayuko at nakatali ang magkabilang kamay. Bumugso ang kanyang galit nang makita niya ang kalunos-lunos na lagay nito.

MS.RIGHT (published under PSICOM)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα