CHAPTER: 64 (This Is Not The End)

Start from the beginning
                                    

MAINGAT ang ginawang pagpasok ni Bright sa loob ng pabrika nang makakuha siya ng tiyempo. Minabuti niya na huwag ng pasunurin si Hendrix sa kanya nang sa ganoon ay magsilbing look out ito sa labas.

Gustong alamin ni Bright ang hitsura ng loob ng pabrika nang sa ganoon ay mapagplanuhang mabuti ang gagawing pagpasok ng PRIME sa loob.

Ilang saglit lang ay pinasunod na rin ni Bright ang PRIME at sina Frank pero sinabihan niya ang mga ito na huwag munang lumapit sa lokasyon at mag-antay muna ng kanyang utos.

"Ang Kuya ko, please! Gusto kong makita ang Kuya ko."

Nagkubli si Bright sa sulok ng sinasandalan niyang pader. Bumilis ang tibok ng puso niya nang marinig niya ang nagsusumamong boses ni Check. Nakadikit na ang tenga niya sa pader pero hirap siyang marinig ang usapan sa kabila.

'Hang on! I'm here. Babawiin kita, Check.'

Pinakiramdaman ni Bright ang paligid. Batid niyang maraming kalaban sa kabilang pader kung saan naroon si Check. Naghanap siya ng puwedeng pagsilipan pero bigo siyang makakita.

"Ano ba'ng kailangan niyo kay Bright? Bakit niyo ginagawa 'to?!" pasinghal na tanong ni Check.

"Papipiliin kita, babae. Bubusalan ko 'yang bibig mo o mananahimik ka dyan sa kakangawa mo?! Sinabi ng walang mangyayari sa kakaatungal mo. Ang tigas ng mukha mo!"

Ikinalma ni Bright ang kanyang sarili para mas mapakinggan niya ng maayos ang usapan sa kabila. Naisara niya ang magkabila niyang kamao nang makarinig siya ng pagtili.

"Maghintay ka. Mamaya lang umaga na. Magkikita rin kayo ng boyfriend mong maangas, kaya huwag kang mag-alala. Huwag kang masyadong mag-iingay dyan dahil baka magising mo 'yong natutulog mong Kuya. Hahaha!"

"Mga walanghiya kayo! Ano'ng ginawa niyo sa Kuya ko?!" humahagulgol na tanong ni Check. "Ang sasama niyo!"

Tumaas lalo ang kagustuhan ni Bright na makita si Check. Mayamaya lang ay nakarinig siya ng mahinang kaluskos sa kanyang likuran. Huli na ang lahat nang makita niyang may nakatutok ng baril sa kanya pagkalinga niya.

"Ang aga mo para bukas," nakangising sabi ni Gervin habang nakatapat ang hawak na baril sa kanya.

Tumalim ang mga mata ni Bright. 'F*ck!'

Sinenyasan siya ni Gervin para palakarin. Hindi na siya umangal at sumunod na lang siya agad. Saglit na nilinga niya ito at nakita niyang naglabas ito ng cell phone at idinikit iyon sa tenga nito. Mukhang itinawag na nito agad ang tungkol sa pagkakahuli sa kanya.

Pakapang pinatay ng mabilis ni Bright ang device na nasa kanyang bulsa na galing kay Frank. Iyon ang nagkukunekta sa kanila para makapagusap-usap para sa operasyon na gagawin nila ngayon. Pasimple niya ring inalis ang isang wireless earphone na nasa kanyang tenga. Kinailangan niyang gawin iyon nang sa ganoon ay hindi siya pag-isipan na may kaagapay siya sa ginawa niyang pagpunta sa lugar na iyon.

Habang naglalakad ay may nadaanan silang may kalakihan pero basag ng salamin. Tiningnan agad ni Bright ang replika doon ni Gervin. Nakatutok lang sa kanya ang baril nito pero hindi ito nakatingin sa kanya. Dahil sa nakuhang tiyempo ay inilabas na niya ang device sa kanyang bulsa at initsa iyon. Itinapon niya rin ang wireless earphone.

Naglakad si Bright ng tahimik. 'Alam niyo na ang gagawin niyo, PRIME.'




















"TSK! Tsk! Tsk!"

Pinalibutan ni Ash ang nakapiring na si Bright. Hawak siya ng magkapatid na sina Gervin at Calvin ang magkabila niyang siko. Sa kuwarto kung saan nandoon si Xyro siya dinala ni Gervin gaya ng utos ng leader na si Ash.

MS.RIGHT (published under PSICOM)Where stories live. Discover now