CHAPTER: 57 (Hendrix's Brother)

138K 5.3K 654
                                    

HINAWAKAN ni Bright ang panga niya na sinuntok ni Hendrix

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

HINAWAKAN ni Bright ang panga niya na sinuntok ni Hendrix. Hindi na siya naawat nang mabilis siyang gumanti ng suntok. Sa lakas ng suntok na iyon ay napaupo si Hendrix sa damuhan.

"D*mn it! Hindi ko alam ang sinasabi mo!" paangil niyang sabi habang nakaturo sa napaupong si Hendrix.

Hindi nagawang makiawat ulit ni Check. Tulala pa rin ito sa sinabi ni Hendrix. Nakayuko lang ito at tila umaalingawngaw pa rin sa isip nito ang narinig.

Inangat ni Check ang mukha nito at tinitigan si Bright. 'Tama ba 'yong narinig ko? Ano'ng ibig sabihin no'n? May nagawa bang kasalanan si Bright kay Drix?'

"Check, hindi ko alam ang sinasabi niya," sinserong depensa ni Bright.

Dumura ng dugo si Hendrix. Inangat nito ang mukha at tiningnan ng masama si Bright. "Nang dahil sa ginawa mo, sumuko sa buhay ang Kuya ko! Nagpakamatay siya nang dahil sa'yo!" sigaw nito.

Dahil sa bagong narinig ay napalinga si Check kay Hendrix. Nakita nito na puno ng galit ang mga mata ng kaibigan. Sunod nitong tiningnan si Bright at nakita nito na gaya ng sarili ay may tanong rin na maaaninag sa mukha nito.

"Eh gago ka pala, eh! Bakit mo isinisisi kay Bright kung nagpakamatay pala? Nuknukan ka ng tanga! Iyong kuya mo ang sisihin mo. Sinayang niya ang buhay niya!" sabat ng nanggigigil na si Jaxx. Sa likod nito ay makikitang nakakapit sina Jam at Xyro dahil kabisado ng mga ito ang ugali nito.

Samantala, makikita ang kunot sa noo ni Bright dahil winawari niya ang mga salitang sinabi ni Hendrix. Lalong kumuyom ang kanyang magkabilang kamao.

'This is bullsh*t! What the f*ck is he saying?!' Nagngalit ang mga ngipin ni Bright.

Walang sinuman ang umimik sa PRIME maging kayna Rue at Jane. Ang lahat ay naguguluhan sa akusasyong nanggaling kay Hendrix.

"Hindi niyo naiintindihan! Winakasan niya ang pangarap ng Kuya ko! Siya ang dahilan kung bakit wala na ang kapatid ko!"

Tumayong bigla si Hendrix at sumugod kay Bright. Nagpakawala ito ng suntok pero nailagan niya iyon. Sinubukan din niya na sumuntok pero nailagan rin nito iyon. Ang sumunod na nangyari ay nagkasabay sila sa pagsuntok at kapwa tinamaan sila sa kanilang mga pisngi.

"Yeah! They call me a gangster, a trouble maker... Oo hindi ko ikinakaila na pumapasok ako sa pakikipagbasag-ulo lalo na kung tinatapakan o binabangga ang grupo ko!" malakas na sabi ni Bright habang matamang nakatingin kay Hendrix. "Pero ni minsan hindi ko magagawang pumatay ng tao! That's bullsh*t! Bakit isinisisi mo ang buhay niya sa akin kung nagpakamatay pala siya? Alam mo ba ang sinasabi mo, ha? You have to pay for this crazy sh*t! Uuwi ka ngayong basag ang mukha mo!"

MS.RIGHT (published under PSICOM)Where stories live. Discover now