CHAPTER: 52 (Fighting Partners)

Start from the beginning
                                    

Nakayuko lang si Hendrix. "Hindi nga ba?"

Itinulak ni Check ang kanyang noo. "Mas engot ka nga talaga sa 'kin!"

Agad niyang niyakap si Check. Nabigla ito pero unti-unti naman itong napangiti. Inangat nito ang mga kamay para yakapin siya pabalik.

"Ang drama mo. Hindi ka naman bagay na leading man sa isang drama," ani Check.

"Lalo ka naman. Hindi ka pang leading lady at lalong hindi ka pang drama. Pang comedy ka, eh."

Kumalas ng yakap si Check. Sinamaan siya nito ng tingin. Ilang saglit lang ay sabay na silang napangiti.

"Ipangako mo sa 'kin na magiging mabuti tayong magkaibigan sa isa't isa kahit na mga lolo at lola na tayo," ani Check habang nakangiti.

(NP: One Call Away)

Nakaramdam ng kirot sa kanyang puso si Hendrix dahil sa sinabing iyon ni Check. Kung puwede lang sana na hindi sumangayon sa sinabi nito ay gagawin niya. Dahil hanggang ngayon, hindi siya nawawalan ng pag-asang isang araw, gaya niya ay higit pa sa pagiging magkaibigan ang maramdaman nito para sa kanya.

"You promise."

Itinaas ni Check ang kamay nito para sa isang pinky swear. Ilang segundo munang tiningnan iyon ni Hendrix bago niya inilapit ang kamay para ikawit ang hinliliit niya rito.

"Promise," sagot niya kasabay ng isang ngiti.

NANINGKIT ang mga mata ni Bright nang makita niyang magkasama sina Check at Hendrix sa entrada ng Prime University

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.






















NANINGKIT ang mga mata ni Bright nang makita niyang magkasama sina Check at Hendrix sa entrada ng Prime University. Nagtatawanan ang mga ito. Binilisan niya ang pagpapaandar ng kanyang motorbike.

"Kanina pa umuwi ang mga high school students, ah! Ano pa ang ginagawa mo rito?" taas-kilay na tanong ni Bright kay Hendrix pagkahinto niya sa tapat ng dalawa.

"Wala kasi siyang kasa—"

"Puwede ka na ngayong umalis," pagbara niya agad kay Hendrix.

"Grabe naman 'tong Surot na 'to." Sumimangot si Check. "Ang sama mo kay Drix."

Hindi pinansin ni Bright ang sinabi ni Check. Bumaba siya sa kanyang motorbike bitbit ang isang ekstrang helmet. Sinamaan pa niya ng tingin si Hendrix bago niya ilipat ang tingin kay Check.

Isinuot ni Bright ang ekstra niyang helmet kay Check. "Ako ulit ang maghahatid sa'yo ngayon, pero aalis din naman ako agad. I have an important thing to do," aniya sabay sulyap ulit kay Hendrix.

MS.RIGHT (published under PSICOM)Where stories live. Discover now