CHAPTER: 46 (Worried Boyfriend)

Start from the beginning
                                    

"Iniiwasan mo ba ako?" tanong ni Bright habang nakalapag ang dalawang kamay sa table. "I know nabigla ka sa pag-amin ko kahapon... Pero—"

"Ano'ng gusto mong marinig mula sa akin?" mabilis niyang tanong.

"Check—"

"Ginawa mo na akong girlfriend, 'di ba? Ano pa ang gusto mo?"

Naupo si Bright sa silyang katapat ng inuupuan ni Check. Mataman nitong tiningnan ang kanyang mga mata kahit na hindi rito nakatingin ang sa kanya.

"I want you to like me. Kahit hindi gano'ng kalaki gaya ng pagkagusto mo sa kapatid ko."

Natigilan si Check. Dahan-dahan niyang tiningnan si Bright. "Ano'ng sinasabi mo?"

"I know that you like my brother. Gusto mo si Yohan."

Muli niyang iniwas ang kanyang mga mata. "H-Hindi totoo 'yan!"

"Check, mahal kita!"

"Lalong hindi totoo 'yan!"

Tumayo siya at naglakad palayo. Mabilis siya nitong hinawakan sa may siko at iniharap siya nito.

"You're wrong."

"I'm right!" sigaw ni Check.

"Iisa na lang ang alam kong tama ako at mali ka... Iyon ay ang mahal kita!"

Hinapit ni Bright si Check sabay yakap nang mahigpit. Natigilan at natulala lang siya. Hinayaan niyang yakapin lang siya nito.

"Wala ka bang kahit na katiting na nararamdaman para sa akin?" mahinang tanong nito. "I want to know. Please tell me."

"Ang pag-ibig nararamdaman 'yan, hindi 'yan pinipilit. Huwag mong ipilit sa akin ang pag-ibig na hindi ko naman maramdaman!"

Sa sinabi ni Check ay unti-unting lumuwag ang pagkakayakap ni Bright sa kanya. Dahan-dahang kumalas ang nakayakap na mga kamay nito sa kanyang likuran. Dumulas iyon sa kanyang siko pababa hanggang sa marating noon ang kanyang magkabilang kamay. Bahagya nitong pinisil ang kanyang mga palad bago ito tuluyang bumitaw.

"I'm sorry."

Dalawang salita lang ang huling narinig ni Check na isinatinig ni Bright bago ito umalis sa kanyang tapat at maglakad na palayo.

















NAKAALIS na sina Bright at Yohan pero may bago namang bisitang parating si Check. Iyon ay walang iba kundi ang bestfriend niyang si Jane.

Labis rin ang pagtataka ng kanyang kaibigan nang makarating na rito ang balita na walang magaganap na klase sa buong isang linggo. At dahil wala ngang pasok ngayong araw ay tumawag ito kanina sa telepono para sabihing pupunta raw ito sa kanilang bahay.

Habang nakahiga ng padapa sa kanyang kama ay sinulyapan ni Check ang kanyang cell phone na nasa tabi ng kanyang unan. Inabot niya iyon, tiningnan ng ilang segundo bago nagdesisyong i-on.

Tumayo siya at naupo na lang sa dulo ng kanyang kama. Titig na titig siya sa hawak niyang cell phone. Inaantay niyang magpasukan ang mga na-traffic na text na hindi niya nagawang basahin dahil magdamag iyong nakapatay.

Ilang saglit lang ay sunod-sunod na ngang nagpatungan ang mga text na galing kay Bright. Ini-scroll niya iyon para basahin isa-isa.

 Ini-scroll niya iyon para basahin isa-isa

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
MS.RIGHT (published under PSICOM)Where stories live. Discover now