CHAPTER: 46 (Worried Boyfriend)

Start from the beginning
                                    

"No. Not again," sambit ni Bright habang ito ay umiiling. "Ang pagngiti ko na lang ba ang gusto mong makita?"

Sumimangot si Check. "Hindi naman kita pinipilit na ngumiti."

"Kung uutot ka ulit, baka puwede pa," biro ni Bright pero seryoso pa rin ang mukha nito.

"Grabe! Isang beses pa lang naadik ka na agad? Gano'n ba kalakas ang epekto ng utot ko?"

Hindi sumagot si Bright. Kapwa nakatingin lang sila sa isa't isa. Ang ngiti sa labi ni Check ay unti-unting nawala. Hindi niya alam na nakikipaglaban na siya ng titigan sa katabi.

"H-Hanggang ngayon ba, wala pa rin ba akong epekto sa'yo? Gano'n pa rin ba ako sa'yo? Ako pa rin ba 'yong lalaking hinding-hindi mo magugustuhan?" sunod-sunod na tanong ni Bright. Mas lalong inilapit nito ang mukha sa kanya. "Ako kasi nagbago na, eh. Mas lalo na kitang nagugustuhan."

Dinakma ni Check ng kanan niyang palad ang mukha ni Bright para ilayo. Inalis nito ang kanyang kamay pero nanatili pa rin nitong hawak iyon habang nakatitig ang mga mata sa kanya.

"Hindi ko rin naman inakala na lalalim ng ganito, basta naramdaman ko na lang—"

"Bakit mo sinasabi sa akin 'yan?" mabilis na singit niya.

"Check, mahal na kita."

Nahinto ang pagbabalik-tanaw ni Check nang makarinig siya ng sunod-sunod na katok sa kanyang pintuan.

"Prensisa, your brother is waiting for you downstairs. His friends are here," anang katulong na si Gina sa labas ng pintuan. "Sir Bright want's to see you," dagdag nito.

'Sige Ate Gina, ipamukha mo pa sa akin.' Ginulo ni Check ang kanyang buhok.

"Okay, alright! I down in stairs, wait a minute," tugon niya sabay tayo sa kanyang kama. "I changing clothes, okay?"

"Okay, Prensisa. Just make it fast, okay? I'll go now."

Napanguso si Check. "Luh! At humirit pa. Kaloka."


















'SI BRIGHT at si Yohan lang pala. Akala ko kumpleto sila.'

Naglakad palapit si Check. Hindi pa siya tuluyang nakakarating sa sala pero sabay-sabay na siyang nilingon ng mga nandoon. Agad nahagip ng mga mata niya si Bright pero tila nakaramdam siya agad ng pagkailang kaya minabuti na lang niyang yumuko para kunwari ay sa daan siya nakatingin.

"Excuse us."

Nagulat si Check nang pag-angat niya ng kanyang mukha ay nasa tapat na niya si Bright. Hinawakan nito ang kanyang kamay at naglakad sila palayo sa sala. Tinungo nila ang daan paakyat sa terrace.

"Teka naman," angal niya.

"I've been calling you since morning."

"Lowbat ang cell phone ko," sagot niya. Sinasabayan niya ang mabilis na paghakbang ni Bright sa hagdan.

"Bakit hindi mo i-charge?"

"Sira 'yong charger—"

"D*mn it! Ano'ng klaseng palusot 'yan?!" galit na sabi nito.

"Huwag ka ngang sumigaw!" Sinubukang hilahin pabalik ni Check ang kanyang kamay pero hindi nito iyon binitawan.

Narating na nila ang terrace. Tumigil sa paglalakad si Bright at humarap ito sa kanya. Binitawan na rin nito ang kanyang kamay.

"Nag-aalala ako." Ang kaninang matigas na boses ni Bright ay biglang naging mahinahon.

Kunot-noong naglakad si Check. Pinuntahan niya ang maliit na round table at dalawang upuan na makikita sa parteng kanan ng terrace. Naupo siya sa isang upuan.

MS.RIGHT (published under PSICOM)Where stories live. Discover now