CHAPTER: 33 (The Bright Style)

161K 5.7K 1.8K
                                    

"LUH! Ano ba naman, Check! Late ka na naman

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"LUH! Ano ba naman, Check! Late ka na naman. Lagot ka niyan, kapag 'di ka umabot sa flag ceremony. Hay!"

Dahil makailang ulit na niyang nagawa ang pag-akyat sa puno na nagsisilbing tawiran para makaakyat siya sa pader ay nasanay na si Check na akyatin iyon ng hindi na gumagapit pa ng lubid. Nang makaakyat ay tinanaw niya ang nakapila ng mga estudyante sa flag pole. Tiningnan niya ang suot niyang relo, apat na minuto na lang ay magsisimula na ang ceremony.

Mabilis na tumalon si Check mula sa itaas ng pader. Dahil sa hindi na inisip ang tamang porma ng pagtalon ay hindi naging maganda ang pagbagsak niya. Nakangiwi niyang hinawakan ang kanan niyang paa. Pakiramdam niya ay naipitan iyon ng ugat.

"Malas naman, oh."

Muli siyang napatingin sa kanyang relo. Pinilit niyang makatayo. Dinampot niya ang kanyang bag at tiniis niyang maglakad kahit labis ang pangingirot ng kanyang kanang paa.

Napangiti siya sa kabila ng sakit na nararamdaman niya. Nagtagumpay kasi siya sa pagpila sa flag pole sa saktong oras.

Napasuntok si Check sa hangin. 'Yes, I do its!'

Nagsimula ng tumugtog ang national anthem. Inilagay na ng lahat ang kanilang mga kamay sa kanilang dibdib at saka umawit. Nang matapos ang pagkanta ay nag-antay ang lahat para sa pag-akyat sa stage ni Mr.Santos na siyang school speaker.

Nagulat ang lahat. Imbes kasi na si Mr. Santos ang umakyat sa stage ay ang PRIME ang namataan nilang isa-isang sumampa ng hagdan.

"Ano na naman kayang pa-utot ang gagawin ng PRIME na 'to?" ani Check habang nakatingin sa harapan.

Napalinga ang ilang mga estudyante sa kanya nang marinig ng mga ito ang kanyang sinabi. Pinaseryoso niya ang kanyang mukha at itinaas ang kanyang noo.

"Oh, ano'ng tinitingin-tingin niyo diyan? What's you looking, ha?" nakataas ang isang kilay na tanong niya.

"Wala po, Princess," anang isang estudyanteng lalaki.

"Wala po," sabi naman ng isang estudyanteng babae.

'Pambira 'tong si Kuya! Ang aga naman pala niyang umalis bakit hindi pa niya ako isinabay sa pagpasok. Kainis! Ngumiwi si Check nang bahagya niyang maidiin ang kanan niyang paa sa kanyang kinatatayuan.

Samantala, nagtataka pa rin sina Jaxx, Gavin, Jam, Xyro, Yohan at Bogz kung bakit pinapasok sila ni Bright ng ganoon kaaga. Wala silang ideya kung ano ang binabalak na mangyari ng kanilang leader.

Sabay-sabay na humikab sina Jam, Bogz at Gavin habang si Jaxx naman ay iniinat ang mga braso kasabay ng pag-ikot nito ng leeg. Tahimik lang sina Xyro at Yohan na kapwa nakatingin kay Bright. Nilalamon na sila ng kanilang kursiyonidad at kagustuhang malaman ang dahilan ng pagpapapunta ni Bright sa kanila sa school samantalang hindi pa naman oras ng kanilang klase.

MS.RIGHT (published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon