CHAPTER: 27 (PRIME's Princess)

Beginne am Anfang
                                    

Mabilis na binatukan ni Check si Hendrix. "Mani kasi sabihin na lang, eh! Gagawin mo pa akong manghuhula."

Nakasimangot habang nakahawak si Hendrix sa ulo nito. "Hay! Palibhasa alam na hindi ako makakaganti sa kanya dahil may sugat siya."

"Psh! Ano naman kung may sugat ako? Gumanti ka kung gusto mo."

"No, thanks. Kailangan kong makatapos sa school na 'to at isa pa, mahal ko ang buhay ko," anang umiiling na si Hendrix.

Inilapit ni Check ang kanyang mukha kay Hendrix habang nakakunot ang kanyang noo. "Ano bang pinagsasasabi mo, Drix? Para kang timang."

"Walang sinuman ang pwedeng manakit sa'yo sa school na 'to mula ngayon. Inutos 'yon ng PRIME."

Napataas ang kilay ni Check. "Joke ba 'yan?"

"Hindi ako nagbibiro." Seryoso ang mukha ni Hendrix.

"Ano bang kalokohan 'yan? Bakit naman iuutos ng PRIME 'yon—"

"Kay Bright mismo nanggaling ang utos," mabilis na singit ni Hendrix.

"Huh? Doon sa Surot King na 'yon?!" lumakas ang boses ni Check. "Sa pagkakaalam ko, ako ang nauntog, ah! Bakit siya 'tong naalog ang utak? Naka-drugs ba 'yon?"

"Ssshh! Ano ba, ang ingay mo," saway ni Hendrix. "Basta, that's an order from him. Period!"

"Baka naman may sakit siya at malapit na siyang mamatay kaya siya ganoon. Nagpapakabait na siya at pinagsisisihan na niya ang lahat ng nagawa niyang kasalanan dito sa mundo."

Bahagyang napanganga si Hendrix habang nakatingin kay Check. "Mukhang ikaw 'tong naka-drugs, eh."

"Eh baka naman ikaw yung naka-drugs kaya kung anu-ano ang mga pinagsasasabi mo sa akin," ani Check sabay dikit ng hintuturo niya sa tungki ng ilong ni Hendrix.

"Ang hirap kumausap sa engot... nakaka-engot din."

"Matagal ka ng engot. Repeater," mabilis na sabi ni Check.

"Level one million ang ka-engotan mo."

"Ikaw abot sa outer space ang ka-engotan mo," banat ni Check.

"Oh sige, ano yung outer space?" tanong ni Hendrix.

"Luh! Tignan mo engot ka. Hindi mo alam kaya sakin mo tinatanong!"

Imbis na mainis ay hindi napigilang mapangiti ni Hendrix dahil kay Check. Kalaunay nauwi iyon sa pagtawa nito. Dahil sa pagtawa ni Hendrix ay nahawa na rin si Check. Sabay silang tumawa habang nagkukurutan sa kanilang mga braso.

"Ang cute mo, kahit engot ka."

Tumaas ang kilay ni Check dahil sa sinabi ni Hendrix. Tumigil ito sa pagtawa at nginitian siya. Natigil din sa pagtawa si Check pero humirit pa siya ng kurot sa braso ni Hendrix.

"Huwag mo akong bolahin, hindi no'n mababawi ang sinabi ko... engot ka pa rin." Dumila si Check.

Muling napasulyap si Check sa upuan ng magkakaibigang malaki ang galit sa kanya. Napansin iyon ni Hendrix.

"Expelled na sila."

"Huh? Anong Ex-Expled?" tanong ni Check.

"Expelled!" pagtatama ni Hendrix.

"Oo na! Ano nga 'yon? Anong expelled na sila?"

"Sinipa na sila ni Bright. Hindi mo na sila makikita pa. Wala na sila," paliwanag ni Hendrix.

"Sipa lang, namatay na?!" Napahampas si Check sa kanyang upuan. "Nagawa niyang pumatay?! Ang lupit naman ng Surot na 'yon. Ang sama niya talaga!"

MS.RIGHT (published under PSICOM)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt