CHAPTER: 17 (Check And Physics)

Magsimula sa umpisa
                                    

Ilang minuto lang ay tumayo na ulit si Professor Perez. Naging alerto ang buong klase. Dumiretso ang mga ito ng upo habang nakatingin sa harapan.

"Close all your books and notes. Let's start!"

Sumunod agad si Check at Hendrix, isinara nila ang kanilang mga libro at saka matamang tumingin ng diretso sa harapan. Narinig ni Check ang mahinang pagsambit ni Hendrix sa kanya ng "goodluck". Nilingon niya ito at saka nginitian.

Isinaisip ni Check ang kanyang mga nabasa habang nakayuko at nakatitig sa kanyang libro na nakapatong sa arm chair. Panay ang pagpikit-pikit niya habang inaalala ang kanyang mga inaral kagabi.

"Ms.Check Libramonte."

Agad na naitaas ni Check ang kanyang ulo nang marinig niyang tinawag ni Professor Perez ang kanyang pangalan. Napalunok siya sabay sulyap sa katabi niyang si Hendrix.

"Kaya mo 'yan," pag-cheer ni Hendrix sa kanya sabay senyas na para patayuin siya. "Tayo na," pabulong na sabi nito.

Sa dami ng pwedeng unahin, ako pa talaga? Dahan-dahang tumayo si Check.

"Ms.Libramonte... what is Physics?"

Nagbulungan agad ang mga estudyante sa buong classroom. Kanya-kanya silang panghihinayang nang marinig nila ang unang tanong ni Professor Perez.

"Swerte niya sa tanong. Kung ano pa yung pinakamadali."

"Buti kung masagot niya 'yan. Kamote 'yan, eh."

"Sana sa akin na lang napunta yung question na 'yon."

"Quiet!" sigaw ni Professor Perez sabay kalampag ng table nito.

Huminga ng malalim si Check. Madali lang. Buti na lang nabasa ko 'yon.

"Go on. What is your answer?" ani Professor Perez habang nakatingin kay Check sa dulo.

"Sir, Physics is the natural science that deals with the study of... of... of weather and—"

"Weather?" mabilis na sambit ni Professor Perez habang nakakunot ang noo.

Nagtawanan ang lahat ng classmates ni Check bukod kay Hendrix na napakamot na lang ng ulo. Napailing-iling si Professor Perez habang nakatingin kay Check.

"Quiet!" muling saway ni Professor Perez. Tumahimik ang lahat pero halata na nagpipigil lang ng tawa ang mga ito.

"Pssst! Mali 'yon. Ulitin mo," bulong ni Hendrix kay Check pero hindi naman niya ito pinapansin dahil tahimik niyang inaalala ang buong definition ng Physics na kanyang nabasa.

"Weather," ulit ni Professor Perez habang mataman na nakatingin kay Check. "So what is the weather now?"

Kumunot ang noo ni Check sabay linga sa labas ng bintana. "It... it's sunny, Sir. Very very hot."

Napuno ng tawanan ang buong classroom. May ilang napapahampas pa sa arm chair lalo na ang mga kalalakihan. Muling pinatahimik ni Professor Perez ang buong klase.

"Do you really know what you're saying Ms.Libramonte?" seryoso ang mukha ni Professor Perez.

"So-Sorry Sir, I will... repeat." mautal-utal na sabi ni Check.

"Okay. Last chance, Ms.Libramonte."

"Physics is the natural science that deals with the study of matter and motion through space and time, along with related concepts such as... ahmm... " natigilan si Check at inisip kung ano ang kasunod na mga salita. "...such as energy and force."

Ayos! Napapitik si Hendrix habang nakatingin sa nakatayong si Check.

Bumaba ang napapataas ng kilay ni Professor Perez. "Okay, that's good." Sumandal ito sa harapan ng table nito. "Can you tell us more about Physics? Any additional, Ms.Libramonte?"

MS.RIGHT (published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon