CHAPTER: 11 (Crush)

Start from the beginning
                                    

"You still want to seat on this chair even if my name is already written on it?"

Itinaas ni Yohan ang dalawa nitong kilay kasabay ng tila nang-aasar nitong ngiti. Kitang-kita nito ang galit sa mga mata ni Jane.

"Screw you! Thunder stealer!"

Walang nagawa si Jane kundi ang umupo sa katabing upuan kung saan umuupo noon si Yohan. Ayaw na sana nitong katabi si Yohan pero inisip nito na baka sa kanya naman magalit ang may-ari ng arm chair na mapipili nitong upuan.

Habang inilalabas ang kanyang notebook at libro sa kulay pink nitong bag ay pasimpleng sinulyapan ni Jane si Yohan. Nakita nitong tahimik lang si Yohan habang nagbabasa ng libro.

Palalim ang tingin ni Jane kay Yohan. Pati yata ang magiging rank ko this school year, balak pang agawin.

Nagulat si Jane nang biglang inilinga ni Yohan ang ulo nito pakaliwa para tignan ito. Pinagtaasan ni Yohan ng dalawang kilay si Jane na animo'y sinasabi na: "Anong tinitingin-tingin mo dyan?"

Iniwas agad ni Jane ang mga mata nito at kunwa'y may hinahanap pa sa loob ng kanyang bag. Ilang saglit lang ay napalingon ito sa may bintana nang makarinig ito ng malakas na tawanan mula sa ibaba. Maging si Yohan ay napalingon sa direksyon ng bintana.

Nagmadaling tumayo si Jane para sumilip at alamin kung ano ang nangyayari sa ibaba. Napahawak itong bigla sa kanyang dibdib dahil sa natanaw nito.

No... not again!


















UMIIKOT-IKOT is Check habang tinitignan ang mga estudyanteng may mga bitbit na watergun sa mga kamay. Napadpad na naman siya sa tapat ng building ng mga college students dahil sa kanyang pagtakbo.

Tumakas si Check sa kanilang bahay kanina para pumasok. Naglagay siya ng dummy na unan at wig sa kanyang kama para isipin ni Xyro na natutulog lang siya.

Akala niya ay wala ng gugulo sa kanya ngayong araw dahil malaya naman siyang nakapasok kanina hanggang sa matapos ang kanyang klase. Laking gulat na lang niya na kung kailan pauwi na siya ay saka pa may mga highschool students na gaya niya ang humahabol sa kanya.

"Huwag kayong lalapit kundi makakatikim kayo sa akin!" singhal ni Check sa mga nakapalibot sa kanya.

"Walang magagawa 'yang pagbabanta mo! Hahaha!" tumatawang sabi ng isang estudyanteng lalaki sabay pisik ng watergun na hawak nito sa mukha ni Check.

Pinagtulungan ng mga nasa sampung highschool students na basain si Check. Tuwang-tuwa ang mga ito habang pinaliliguan siya ng malamig na tubig na nasa watergun ng mga ito. Ang ilan sa mga estudyante ay pinili munang hindi umuwi dahil sa kagustuhang makiusyoso.

Hindi naman sa sumusuko na ako at naghahangad talaga ako na matigil na 'tong kalokohan na 'to, pero inakala ko talaga na marunong pakiusapan ang Surot na Bright na 'yan. Nagkamali pala ako!
Niyakap ni Check ang basa na niyang katawan.

"Basa na 'yang damit mo. Hubarin na natin 'yan. Hahaha!"

Pumorma ng isang fighting position si Check habang nakatingin doon sa lalaking nagsalita. Kahit paano ay nakaramdam siya ng hindi maganda dahil sa sinabi nito.

MS.RIGHT (published under PSICOM)Where stories live. Discover now