CHAPTER: 8 (Me Against Them)

Magsimula sa umpisa
                                    

Sinubukang tumakbo ulit ni Check pero hindi siya tinantanan nung dalawang lalaki. Tumatawa ang mga ito habang sinusulatan siya sa kanyang uniform at maging sa katawan.

"Ayaw ko sanang gawin 'to sa inyo, pero pinipilit niyo ako!"

Kailangan ng espasyo ni Check. Itinulak niya yung dalawang lalaki. Tumalon siya para bumuwelo at saka niya binigyan ng isang roundhouse kick yung isang lalaki. Dahil magkalapit lang yung dalawa ay napasubsob iyon sa kasama nitong lalaki at sabay ang mga itong napa-upo.

Halatang gulat na gulat yung dalawang lalake. Nanlalaki ang mga mata ng mga ito habang nakatingin kay Check. Bago siya umalis ay tinignan niya pa ng masama ang mga ito.

Hindi lang iyon ang huli, may mga ilan pang nagtangkang sulatan si Check gamit ang iba't ibang klase ng panulat. Tuwang-tuwa ang mga ito habang ginagawa iyon sa kanya. Kaya kahit magsisimula na ang kanyang klase ay pinili na lang muna niya na bumaba ng building. Nagmadali siyang tumakbo palabas.

Pagod na pagod na si Check sa pagtakbo kung kaya't naisipan niyang huminto. Sinapo niya ang kanyang dibdib dahil ramdam niya ang paghahabol niya ng kanyang paghinga. Doon siya dinala ng kanyang pagtakbo sa tapat ng building na sakop na ng mga college students.

"Ano bang klaseng school 'to? School ba talaga 'to o impyerno?!"

Sinuyod ng tingin ni Check ang paligid. Nakahinga siya ng maluwag matapos niyang masiguro na wala ng humahabol sa kanya. Muli niyang tinignan ang kanyang suot na unifom. Pakiramdam niya ay parang gusto na niyang maiyak dahil sa kanyang itsura.

Napahawak si Check sa kanyang kaliwang balikat nang maramdaman niya na may tumulo doon. Tumingala siya sa itaas. Hindi niya agad nagawang kumilos... sinalo ng buo niyang katawan ang isang timbang tubig na isinaboy sa kanya mula sa itaas.

Napasalampak si Check habang nakayuko. Basang-basa ang buo niyang katawan maging ang bitbit niyang bag. Rinig na rinig niya ang tawanan ng ilang estudyante mula sa itaas.

"Ano bang ginawa ko sa inyo?" halos pabulong na sambit ni Check.

Tumayo si Check. Napansin niya agad ang isang nabasang bondpaper sa kanyang tabi. Dinampot niya iyon at binasa ang halos nabubura ng nakasulat doon. Nagtiim ang kanyang bagang. Kahit mahina siya sa pag-intindi ng Ingles ay naunawaan niya ang nakasulat doon.

Write on me... it's free. I'm just a paper trash.

Galit na binilog ni Check ang bondpaper at itinapon iyon. Muli siyang tumingala sa itaas. Puno ng galit ang kanyang mga mata. Gusto niyang magsisigaw pero hindi niya magawa.

Kapag hindi ka marunong lumaban, lalo ka nilang pag-iinitan.

Nakita ni Check na may isang timba na naman na nakaakmang ibuhos sa kanya mula sa itaas. Hindi siya gumalaw sa kanyang kinatatayuan. Matapang niyang tinignan ang dalawang estudyanteng lalaki na may hawak nung timba.

"Sige ibuhos niyo! Dyan kayo masaya, 'di ba?! Ibuhos niyo na, nag-aantay ako!" matapang na sigaw ni Check.

Nagtinginan ang dalawang college student na may hawak ng timba at saka ngumisi. Ibinuhos ng mga ito ang laman ng timba kay Check gaya ng kanyang sinabi.

Nabalot ng harina ang katawan ni Check. Puting-puti ang kanyang buhok at nagdikitan ang harina sa basa niyang katawan. Napansin niya na may kumikislap mula sa itaas. Muli siyang tumingala at matapang na tinitigan ang isang bagay mula doon.

Alam kong pakana niyo ang lahat ng 'to... PRIME!


















MS.RIGHT (published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon