CHAPTER: 6 (Student Council)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Hindi ka mukhang 16," ani Check habang nakaturo doon sa lalaki.

Tumaas ang dalawang kilay nung lalaki. "And so what?"

"Hindi ka mukhang highschool... repeating ka ano?" nakangising tanong ni Check.

"Repeating?" kunot-noong ulit nung lalaki.

"Rep...rep...repi...repeat—"

"Repeater!" pagtatama nung lalaki. "Ako ang nahihirapan sa'yo, eh!"

"Iyon na nga! Repeater ka!" Tumawa ng malakas si Check.

"Ano naman ngayon? Ayos ka rin eh, 'no? Tawa ka pa, sige lang... tignan ko lang kung ilang taon ang bubunuin mo sa school na 'to," asar na sabi nung lalaki habang nakapamaywang. "Baka nga hindi ka tumagal, eh."

"Engot daw ako, eh engot din naman siya. Hahaha!" wagas ang tawa ni Check. "Repeater. Hahaha!" dagdag hirit niya.

Napakagat-labi yung lalaki dahil sa inis. "Tantanan mo na nga ako. Istorbo ka, eh. Mag-aaral pa ako!" Hinila nito ang buhok ni Check.

"Kaya pala," ani Check sabay kiskis ng dalawa niyang daliri para patunugin iyon. "Aral na aral mo na siguro yung pagpapakilala sa unang pasukan... kakaulit mo. Hahaha!"

Nanlaki ang butas ng ilong nung lalaki. Ang lakas makaasar ng isang 'to. Kung hindi lang babae 'to, baka binatukan ko na 'to.

Tinalikuran na nung lalaki si Check, naglakad na ito palayo at hinayaan siyang tumawa ng mag-isa. Sumakit na ang tiyan niya dahil sa kakatawa. Alam niyang nakaganti na siya dahil halatang napikon ito.

"Hoy Peter!" pahabol na tawag ni Check.

Humarap yung lalaki na halos hindi maipinta ang mukha dahil sa inis. "Hindi Peter ang pangalan ko!"

"Alam ko. Pinaiksi ko lang naman yung repeater para hindi masagwang itawag sa'yo, 'di ba?" Itinaas-taas ni Check ang kanyang mga kilay na halatang nang-aasar. "Peter," aniya sabay ngisi.

"Hindi ka na nakakatawa, ha."

"Oh ano, pikon ka na nyan? Hindi ko nakalimutan ang ginawa mong pagtawa sa klase kanina ano. Hmp! Nang dahil sa'yo lalo akong napahiya," magkasalubong ang kilay na sabi ni Check.

"Eh sino ba ang hindi matatawa sa mga pinagsasasabi mo kanina? Kami 'tong nakikinig ang mas nahihirapan sa'yo eh!" seryoso ang mukha na sabi nung lalaki. "Mukha ka kayang tanga," dagdag pa nito.

Unti-unting nawala ang magkasalubong na kilay ni Check, ang labi niya ay unti-unti namang napangiti. "Talaga bang... nahirapan kayong makinig?" aniya na napapakamot ng ulo.

"Oo kaya!" agad na sagot nung lalaki. "Mas nakaka-nosebleed kang pakinggan."

Biglang hinampas sa balikat ni Check yung kaklase niyang lalaki at saka siya nagkanda-ihit sa kakatawa nang maalala niya ang madugong pagpapakilala niya kanina sa harap ng klase. Ilang saglit lang ay nakitawa na rin ito sa kanya.

"Hendrix ang pangalan ko, hindi Peter."

Inilahad ni Hendrix ang kamay nito kay Check. Tumigil si Check sa pagtawa at inabot niya ang kamay nito ng may ngiti sa kanyang labi.

"Check."

















"SAYANG! Wala akong kasabay umuwi dahil mamaya pa ang tapos ng klase ni Pakner tapos hindi pa naman uso ang jeep dito sa Prime University, puro bus. Hay! Hindi ako sanay sumakay ng bus!"

Muntik ng mawala sa porma ang headband na suot ni Check dahil sa paggulo niya ng kanyang buhok. Ipinagpatuloy niya ang paglalakad niya sa hallway ng nakasimangot.

MS.RIGHT (published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon