Memory #25: Last Arc that Lasts Forever Part II ~ Seven Goodbyes... ~

8 1 0
                                    


Nang makauwi sila Romeo at Sandy sa hotel, at bigla sila sinalubong nila Claudia, Vanessa, Naomi, Brianna, at Kali sa labas ng hotel. Nabalitaan na rin sa kanilang lahat, na hindi sila nakaabot sa August 10th na date, na kung kailan dapat silang magkikita ni Grandma. Hindi nila alam kung anong mangyayari, pero umaasa sila sa magandang balita.

"Pasensiya na kung ngayon lang kami nakauwi! Nakausap na namin si Grandma sa phone." Sabi ni Romeo at binati silang lahat. Ganoon din ang ginawa ni Sandy at kumaway siya.

"So, anong mangyayari sa dormitory? May sinabi ba siya na isasara niya ito?!" Agad na tinanong ni Claudia iyon at kinakabahan siya.

"Kuya, kailangan bang isara itong dorm?" Tanong ni Vanessa na may kaba rin. Parang paiyak na siya dahil sa sobrang kaba.

"Hindi. Sinabi ni Grandma na maghihintay tayo para sabihin ang lahat sa atin kapag makabalik na siya. Relax! Hindi ko hahayaan na isara ni Grandma itong dorm. Bilang manager ng hotel na ito, no matter what happens sa hotel o sa mga residents, hahanap ako ng way para ma-handle ito!"

Wow! Hindi nila inasahan na magiging leader type si Romeo ngayon. Parehas kami ng mga reaction ng mga tenants dahil hindi naman siya ganoon. Dati isa lang siyang kolokoy na manager, pero ngayon ay handa siyang i-take responsibility ang lahat. Nahiyawan ang lahat dahil sa kaniya.

".........."

Naramdaman ni Romeo na parang sumasakit ang kaniyang ulo. Unti-unti siyang gumagalaw na parang ewan, hanggang sa napansin niya na dalawang Sandy ang kaniyang nakikita.

"Okay ka lang ba?" Alalang tanong ni Sandy sa kaniya, pero distorted ang boses nito.

"Uh...."

Biglang nahimatay si Romeo sa kanilang harapan, at agad silang sumugod para tulungan siya. Hindi nila alam kung bakit siya nahimatay nang biglaan. Bagong tuluyan mawalan ng malay si Romeo, napansin hawak ni Sandy ang kamay niya, at may mga luha na nasa mata niya.

჻ღཾཿ༉ ༘჻ღཾཿ༉ ༘჻ღཾཿ༉ ༘჻ღཾཿ

Isang araw ang lumipas nang mahimatay si Romeo, at hindi pa siya nagigising. Sabi ng doctor sa kanila na overfatigued daw si Romeo ng ilang oras. Hindi lang iyon, dahil nagkaroon siya ng stress masyado, kaya naapektuhan ang kaniyang kalusugan.

Isang tanghali ay pumunta si Sandy sa Daisy's Café, at nang pagpasok niya, binati siya ni Claudia na nakasuot pa siya ng apron, na laging sinusuot ni Daisy.

"Welcome! How can we help you?" Bati sa kaniya ni Claudia at kinindatan pa siya sa mata.

Maraming tao sa loob ng Café, at sobrang busy si Gwen na asikasuhin ang mga customers. Nakasuot siya ng pink uniform at white na apron.

"Claudia... Bakit ka nakasuot ng ganiyan? Ever since na ibigay sayo ni Tita Daisy ang café, naging enthusiastic ka! Mayroon ka bang cooking permit?" Bati sa kaniya ni Sandy, at tumawa siya nang kaunti. Naalala niya kasi na hindi siya masipag magtrabaho, noong pinahirapan sila ni Kali.

"Whatever! Manager na ako ng café!"

Umupo si Sandy sa isang bakanteng lamesa, at pinaghanda siya ni Claudia ng paborito niyang kape. Ayon ang laging hinahanda sa kaniya ni Daisy. Winner pa rin ang timpla, kahit iba na ang nagtitimpla.

Napansin ni Claudia na parang nag-alala pa rin si Sandy sa nangyari, dahil hindi pa siya nagigising. Buti na lang at break time nila kaya may oras siya para makipagkwentuhan sa kaniya. Umupo siya sa harap niya at hinubad niya ang apron.

"Huwag ka ngang mag-alala diyan. Sabi ko sa'yo na hindi basta-basta na malalagay sa peligro si Romeo, dahil napakatibay niya?" Sabi ni Claudia sa kaniya na may halong biro pa. Tumawa nang kaunti si Sandy dahil doon.

Love Under Carolyn's DormitoryWhere stories live. Discover now