Diary Entry #2 ~ The Carolyn's Hotel's Duel! ~

17 7 11
                                    

Magkasabay na naglalakad sila Romeo at Sandy pauwi sa hotel, galing sa supermarket para bumili ng groceries. Bilang manager, trabaho niya na siguro may sapat silang supplies para sa kanilang lahat. Napapansin ni Romeo na laging suot ni Sandy ang isang relo, kahit noong mga nakaraang araw pa.

"Sandy, bakit parang lagi mong suot iyang relo?" Tanong niya.

Napakunot ang noo ni Sandy nang marinig niya ang tanong na iyon.

"Ito? Nakalimutan mo na ba?" Sungit niyang sabi.

"Anong nakalimutan?"

"Gagi! Ikaw ang nagbigay sa akin nito noong pasko. Naalala mo noong time na naglayas ka kase hindi ka nakapasa?"

Biglang sumagi sa isipan ni Romeo ang regalo na ibinigay niya kay Sandy noon. Nagulat siya dahil akala niya ay hindi special sa kaniya ang kaniyang regalo. Masaya siya dahil lagi niyang suot iyon.

"Hmm..."

"Ang mas importante diyan, may plano ka ba na maghanap ng trabaho?"

Naisip niya na kailangan na rin niya pala na maghanap ng trabaho dahil nag-decide na siya na gusto na niya maging independent, kahit na hindi na siya nagbabayad ng renta sa hotel bilang manager.

Samantala, nakadungaw sa bintana mula sa kaniyang kwarto si Brianna. Tinitignan niya ang dalawa na parang mas naging close na sila, hindi katulad nang dati.

Parang mas naging close sila noong pagkatapos ng festival. Noong dumating ang lalakeng iyan dito, ayaw na ayaw talaga ni Sandy sa kaniya. Ano bang nakita niya sa lalakeng iyan?

‧̍̊·̊‧̥°̩̥˚̩̩̥͙°̩̥‧̥·̊‧̍̊ ♡ °̩̥˚̩̩̥͙°̩̥ ·͙*̩̩͙˚̩̥̩̥*̩̩̥͙·̩̩̥͙*̩̩̥͙˚̩̥̩̥*̩̩͙‧͙ °̩̥˚̩̩̥͙°̩̥ ♡ ‧̍̊·̊‧̥°̩̥˚̩̩̥͙°̩̥‧̥·̊‧̍̊

Nagpalit ng damit si Brianna dahil kakagaling lang niya mula sa kaniyang school. Hinubad niya ang kaniyang uniform nang biglang binuksan ni Romeo ang pintuan ng kaniyang kwarto.

"Brianna, ikaw na pala ang magluluto ng kanin!" Sigaw ni Romeo nang binuksan niya ang pinto. Nakita nila Sandy at Romeo na nakasuot lang ng underwear si Brianna, at pabihis palang siya.

Tumakbo si Romeo palabas ng hotel dahil alam niya na papatayin siya nito. Bigla niyang nakasalubong si Claudy na nasa hardin lang nila.

"Cl... Cl... Claudy! T-Tulong! P-Papatayin niya ako!!" Sigaw ni Romeo at nang makita niya na umaapoy sa galit si Brianna na may dalang espada.

"T-Teka!! Kalma ka muna!!" Sigaw din niya.

"Romeo! Wala kang lakas ng loob ng isang lalake para harapin ako! Ngayon, hindi ko mapapatawag iyang kahinaan mo!" Malalim na sabi ni Brianna at nilabas niya ang kaniyang espada. Parang boses lalake siya lagi dahil ang goal lang niya ay maging malakas na babae na iniisip niya na lahat ng lalake ay mahihina.

"Kumalma ka rin, Bri. Aksidente lang iyon." Chakang sabi ni Claudy at hinawakan niya ang damit ni Romeo para hindi siya makatakbo.

"Hindi importante kung aksidente iyon o hindi! Kaya ikaw, Romeo! Hinahamon kita sa isang duel!" Sigaw niya at itinuro ang kaniyang espada sa mata ni Romeo.

"Duel? Bakit?"

"Kapag natalo ako, wala akong sasabihin! Gagawin ko ang lahat ng gusto mong iutos sa akin! Pero kapag ikaw naman ay aking matalo, babaguhin ko iyang kahinaan mo at sasama ka sa akin sa isang mala-impyernong training na aabot ng isang linggo!"

"ANO?!!!!!"

Naghiyawan ang mga ibang kasamahan nila nang malaman na may laban na naman na magaganap. Tingin nila ay mas magiging exciting ito kaysa sa nauna.

"Go, Romeo!" Sigaw ni Claudy na parang chine-cheer niya habang kaakbay niya si Sandy.

"Ito, gamitin mo!" Ngiting sabi ni Naomi at ibinigay niya ang baseball bat kay Romeo.

"Susugod na ako!!"

Tumalon siya nang napakataas at ipeperform na niya ang isa sa mga combo niya.

"Tapusin na natin ito! Secret technique! Rockbreaker sword!!!" Sigaw niya nang hahampasin niya nang malakas si Romeo.

Kinuha niya agad ang baseball bat at ginamit niyang pangharang sa atake ni Brianna. "T-Teka!! Paano ako mananalo sayo?!!!"

Napatigil ang buong madla nang masira ang baseball bat na hawak ni Romeo. Nagulat silang lahat na biglang na-counter ni Romeo ang sword style ni Brianna, nang mahawakan niya ang espada, gamit ang kaniyang dalawang kamay. Maski si Brianna, ay nagulat din siya sa nangyare dahil walang ibang tao ang kayang magpigil sa espada niya.

"Ano?!!" Sigaw ni Brianna.

Naghiyawan silang lahat dahil sa magandang nangyare.

"Barehand sword-counter! Napigilan niya ang technique na iyon!!" Sigaw ni Claudy sa sobrang excitement.

"Imposible!" Sigaw ni Sandy dahil akala niya ay tuluyan niyang matatalo si Romeo.

Hindi pa rin makapaniwala si Brianna dahil natalo siya sa kanila ng laban. Tingin niya ay hindi siya nakapag-practice masyado kaya siyang nagmukha siyang mahina.

"Oo na, natalo na ako kaya sabihin mo na kung anong gusto mong iutos sa akin! Kahit na sabihin mo na magpakamatay na akk, gagawin ko iyon!!" Sigaw niya sa sobrang pagkatalo.

"Wait!!!"

Hindi alam ni Romeo kung anong pwedeng ipagawa o iutos sa kaniya dahil hindi naman siya sumang-ayon dito. Nagtanong siya kay Claudy kung anong pwedeng ipagawa sa kaniya.

"Ano ba pwede?" Bulong niya kay Claudy.

"Sabihin mo na gumawa na lang siya na nakakahiyang gawain..."

"Ayaw ko iyon!!"

Biglang nagka-light bulb ang isip niya nang may naisip na siya na pwedeng ipagawa. Something na gustong-gusto niyang mangyare.

"May naisip ako. Sa maikling panahon, gusto ko na maging babae na babae ka talaga. Hindi nakasuot ng uniform na pang samurai, babaeng magsalita at kumilos. Ayos ba iyon?" Ngiting sabi niya.

"Ano?"

Napatulala ang buong madla, pati na rin si Brianna sa utos ni Romeo. Dahil naalala nila na hindi babae kumilos si Brianna, kundi isang matipunong lalake.

Love Under Carolyn's DormitoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon