Memory #10 ~ Season of Maidens in Love! ~

4 1 0
                                    


"Nakauwi na po ako!" Bati ni Romeo kila Daisy at Sarah, habang nag-iihaw sila ng isda sa labas ng hotel.

"Oh? Buti nakauwi ka na, Romeo. Napansin ko na hindi mo kasama sila Sandy at Gwen?"

"Ah, may nangyari po kasing aksidente noong mga nakaraang araw. Nasa ospital po sila at nagpapa-check-up. Kamusta naman po yung iba?"

"Hm? Ganoon pa rin."

Sinamahan ni Sarah si Romeo sa pagpasok sa hotel at excited siya dahil sa kaniyang mga pasalubong, para sa kanila.

"Nakabalik na ako!"

Binati ni Romeo ang hotel at nakita niya sila Vanessa, Claudy, at Brianna na nakaupo sa lounge.

"Nakauwi ka na, Kuya!!" Bati ni Vanessa habang may bitbit siyang mga tuwalya.

"Hey, Romeo. Kamusta ang trip mo?" Tanong ni Claudy.

"Nakabalik ka na, Romeo." Sabi ni Brianna habang inaayos niya ang kaniyang espada.

"Heto na ang mga pasalubong ko sa inyo mula sa Okia!!" Sabi ni Romeo at nilabas niya ang mga bags ng souvenirs na galing sa Okia.

"Wow! Salamat!!" Masayang sabi ni Vanessa at kinuha niya ang isang bag.

"Hmm..." Napatingin si Brianna sa kaniyang pasalubong galing kay Romeo.

"Salamat, Romeo. Wait, Snake Wine ito, hindi ba?" Masayang sabi ni Claudia habang tinitignan niya ang Snake Wine.

Masaya si Romeo dahil masaya nila tinanggap ang kaniyang mga pasalubong. Pero may napapansin siya na may kulang.

"Ah, Naomi!"

Oo nga pala, napansin niya na wala si Naomi noong pumasok siya. Dahil naalala niya na kapag nandiyan siya ay babatiin siya na may pagkabiolente.

"Ah, Romeo... Nakabalik ka na pala..." Mahinhin na sabi ni Naomi at bumalik siya sa kaniyang kuwarto.

Nagulat si Romeo dahil mukhang walang buhay si Naomi. Hindi siya ganiyan kapag lagi siyang binabati ni Naomi, lalo na may dala siyang mga pasalubong. Madalas pa nga ay kasabwat pa niya si Sarah.

"A-Anong nangyari sa kaniya? Mukhang hindi siya active ngayon..?"

"Ganiyan na siya noong nawala ka last week." Sabi ni Brianna at napaisip pa siya nang malalim.

"Ganoon ba? Ako ang bahala sa kaniya dahil ako ang inyong manager. Sa tingin ko ay magagawan naman iyan ng paraan."

Umakyat si Romeo ng hagdanan at pumunta siya sa kuwarto ni Naomi. Kumatok siya sa pintuan at siya'y pumasok sa loob.

"Naomi, may dala akong mga saging na paborito mo galing Okia!!" Masayang sabi ni Romeo at nilabas niya ang tatlong sakong saging sa kuwarto niya.

"Hmm..? Salamat, Romeo. Pero wala akong gana ngayon." Malungkot na sabi ni Naomi at ihiniga ang kaniyang ulo sa kaniyang mga braso.

"W-Walang gana?! Hindi ba't paborito mo ito?!" Maski lahat sila nagulat dahil hindi nakakatanggi si Naomi sa saging.

"I-Ito, may dala ako yung bagong video game na gusto mong laruin. Tara, laro tayo!"

"Wala ako sa mood maglaro ngayon..."

Umalis si Naomi sa kaniyang kama at pumunta siya sa veranda. Hindi pa rin makapaniwala si Romeo na ayaw niya sa mga pasalubong niya.

჻ღཾཿ༉ ༘჻ღཾཿ༉ ༘჻ღཾཿ༉ ༘჻ღཾཿ

The Attic Emergency War Council!!

Love Under Carolyn's DormitoryWhere stories live. Discover now