Day 22 - The Birth of a New Couple?!

16 8 21
                                    

Hinihintay nila Claudy, Vanessa, Naomi, at Brianna sila Romeo at Sandy sa labas ng hotel para batiin sila kung ayos lang ba ang nangyare sa kanilang exams. Gumawa si Naomi ng dalawang banner na nakasulat sa isa, "Congrats, kung maayos" at isa naman ay, "Bawi na last next year!". 

Napansin ni Claudy na hindi pa sila nakakauwi sa usual nilang oras ng uwian na baka may hinding magandang nangyare sa exams nila, lalo na si Romeo. Hinanda ni Naomi ang banner na pang-bagsak, in case na hindi makapasa si Romeo. Hindi maiwasan ni Vanessa na mag-alala kay Romeo lalo na't gusto niyang malaman kung anong nangyare.

Nakita nilang apat sila Romeo at Sandy pero nakatulala lang si Romeo habang naglalakad.

"Uh... Hindi talaga naging maayos ang exam mo ngayon..." Sabi ni Vanessa na may halong pag-aalala.

"Okay lang iyan! May next year pa naman eh, kaya 'wag ka nang malungkot!" Sabi ni Claudy at tinapik niya sa braso si Romeo.

Napansin ni Claudy na parang nagbago ang itsura ni Romeo. Nakita niya na tumatawa siya nang mag-isa at naka-grin.

"Hehe... Hehe..." Tawa ni Romeo.

"Okay lang ba siya? Kaya ba siya naging ganyan dahil hindi naging maayos ang exam niya?" Tanong ni Claudy.

"Actually... yung exam... Confident ako!!!" Biglang sigaw ni Romeo na parang nabuhayan siya nang loob.

"Ano??" Nagulat din si Claudy sa kaniya.

"Hindi ko alam kung bakit pero naging maayos talaga ang nangyare kanina! At this rate, hindi na magiging panaginip na makapasok sa university!"

Biglang lumayo silang apat sa kaniya dahil hindi sila makapaniwala sa nangyare sa kaniya. Mukhang minaliit nila Claudy na hindi siya makakapasa sa exam.

"N-Nang dahil sa iyo, nangyare ang lahat nang ito! Salamat talaga, Sandy!" Ngiting sabi niya nang lumapit siya kay Sandy at hinawakan niya ang kaniyang kamay.

"W-Wait...! Nang dahil sa ginawa mong kalokohan, lahat ng estudyante kanina nagsitinginan sa akin." Hiyang sabi ni Sandy dahil hindi pa rin niya makalimutan ang nangyareng mala-scandal sa loob ng classroom. Bigla-bigla na lang kase nagsasabi si Romeo ng mga ganong salita sa kaniya kaya nagulat tuloy siya.

"So walang problema talaga kanina kay Romeo?"

"Parang ganon na nga. Kanina pa siya ganiyan, eh."

⳾*⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*⳾

Lumapit ang iba para i-congratulate si Romeo sa kaniyang success sa exam. Masaya sila ngayon dahil baka makapasok na si Romeo sa university. Tinaas na rin ni Naomi ang banner pero nagkamali siya ng banner na itinaas kundi ang pang-bagsak na banner.

"So ayos ka lang ba rin sa exam mo kanina, Sandy?" Tanong din ni Claudy sa kaniya.

"Ayos naman."

"Ayon! Mukhang hindi sayang ang mga efforts na ginawa ninyo, ah! At dahil diyan, mag-paparty tayo!!!" Sabi niya at tinapik niya ang mga braso nila. Naglabas si Claudy ng maraming alak para sa kanilang party.

Nawala na naman sa wisyo si Claudy dahil ginamit niya ang chance na iyon para makainom ng alak ulit. Pumunta sila sa party area ng hotel at doon sila nag-cecelebrate ng party. Nakaupo lang sila Sandy at Romeo sa upuan sa tabi habang iniiwasan nila si Claudy na baka ayain silang mag-inom.

"Meron pa nga tayong exam bukas, eh. Bakit ba niya tayong inayayang mag-inom? Atsaka, hindi pa ako umiinom..." Banggit ni Romeo kay Sandy habang umiinom siya ng tubig. Hindi pa niya kase nasusubukang uminom ng alak kahit noong high school.

Love Under Carolyn's DormitoryWhere stories live. Discover now