Memory #27: Last Arc that Lasts Forever Part IV ~ The Girl of the Promise! ~

14 1 0
                                    

Hindi sila makapaniwala na nakabalik na sila sa hotel. Nababalutan ang buong paligid ng dilim, at malamig na simoy ng hangin. May tunog ng tungkod na narinig mula sa pinakatuktok ng building, at nang may malaking liwanag, ang umilaw sa buong building.

"Romeo~~~~~ Hahahaha!~~~"

"Wah!"

"Aaah!"

Nagulat silang dalawa dahil sa liwanag na nanggaling mula sa hotel. Nakita nila ang silhouette ni Grandma na nasa tuktok ng building.

"Sasabihin ko sa inyo kung sino ang babae na nasa promise mo, Romeo!" Sigaw ni Grandma Carol na may pagkamatanda sa kaniyang boses.

"Waa!! Ayokong marinig!" Tinakpan ni Sandy ang kaniyang tenga para hindi niya marinig.

Nakita ni Romeo si Sandy na nakadapa sa kaniyang tabi, at nakatakip ang kaniyang tenga. Para ba siyang nanghihingalo sa tuwing malalaman niya kung sino ang babaeng iyon. Lumapit siya agad kay Sandy, at kinarga niya upang makatayo.

"Sandy! Kailangan na nating tumakbo!"

"Romeo, hindi ko na kaya..." Dismayadong sabi ni Sandy at tinanggal na niya ang kaniyang kamay mula sa tenga. Lumuhod siya sa harapan ni Romeo, at hinampas ang lupa.

"Hindi ako masaya... Hindi na talaga ako magiging masaya... Maghiwalay na lang tayo please..." Sabi ni Sandy na parang nagmamakaawa na siya kay Romeo.

"Hindi ba naging masaya ang mga bagay para sa'yo?" Tanong ni Grandma Carol na para bang isa siyang angel o ano.

"Hindi talaga ako ang babaeng pinangakuan niya... H-Hindi kaming~~"

"Hindi namin nararamdaman na hindi kami masaya! Masayang-masaya ako ngayon! Hindi ko nararamdaman na malas ang mga nangyayari! Actually... Masayang-masaya ako!"

Nagulat si Sandy dahil sinigaw ni Romeo ang kaniyang nararamdaman, na may buong puso at lakas ng loob. Hinawakan ni Romeo ang kaniyang kamay, at nakikita niya sa kaniyang mga mata na sobrang seryoso siya!

"Sandy, sumasang-ayon ka ba?" Tanong niya ngunit hindi siya makasagot. "Grandma! Kapag nakikita ko si Sandy, napakaganda talaga! Kapag sinasaktan niya ako... Masaya pa rin ako! Kahit na maraming kamalasang mangyari sa akin, tulad na hindi makapasa sa exams, o mamatay, nararamdaman ko pa rin na napakasuwerte ko! Makalapit lang kay Sandy... Sa totoo lang, para nang isang panaginip! Kahit na pinagtatawanan ako ng mga residente rito, masayang-masaya pa rin ko! Sana lahat ng ganoong bagay ay maging habang-buhay! Grandma! Kung hindi si Sandy ang babae na nasa memories ko... Hindi na iyon mahalaga! Kung iniisip mo na hindi mo kami hahayaan na maging masaya, bakit hindi mo gawin sa amin!"

Buong lakas na sinabi ni Romeo kay Grandma Carol ang kaniyang nararamdaman. Hindi naman sa pagiging masokista niya, pero masaya siya kapag kasama niya si Sandy. Kahit anong batuhin sa kaniya, hindi magbabago ang pagtingin at pagmamahal niya sa kaniya.

"Sandy... Huwag kang mag-alala... Masayang-masaya ako ngayon! Magsama tayo habang-buhay..." Sabi ni Romeo na parang nauubusan na siya ng boses.

Hindi makapag-isip si Sandy kung anong sasabihin niya. Sa totoo lang ay na-move si Sandy mula sa kaniyang mga sinabi. Hindi niyang mapigilang umiyak, at nais ipaglaban ang pagmamahal niya kay Romeo.

"Ganoon din po ako! Baka dahil lagi niya akong sinisilipan sa hotsprings pero wala po akong pakialam doon! Actually, hindi ako nagagalit kapag sinasapak ko si Romeo! Kahit na hindi ako ang babae na pinangakuan niya... Gusto ko pa rin siyang makasama habang-buhay!"

Sinigaw ni Sandy ang kaniyang nararamdaman, na walang takot at alala. Buong-buo ang kaniyang desisyon na hindi niya iiwan si Romeo, kahit anong mangyari. Hindi siya makapaniwala sa kaniyang ginawa, pero ayon ang gusto niyang sabihin. Tumingin siya kay Romeo, at ngumiti ang lalaki sa kaniya.

Love Under Carolyn's DormitoryWhere stories live. Discover now