Day 11 - Don't Cry, Vanessa!

27 10 22
                                    

It was a heck of a weekend. Dahil sa nangyareng iyon, sinubukan ko na magpatulong kay Sandy sa mga studies namin sa school. Ayaw niya talaga akong tulungan dahil busy rin siya o ayaw niya lang talaga sa mga taong katulad ko. Napapakinabangan ko na rin ang butas na kisame sa kwarto. Nagagamit ko siya kapag gusto ko siyang kausapin. Kahit ganoon ang ugali niya, hindi pa rin niya maiwasan na tulungan akong makapasok. Tinanong niya ako kung ano ba ang purpose ko kung bakit ayun ang naging goal ko.

"Meron akong babae na pinangakuan dati noong bata ako na magkikita kami kapag lumaki na kami. Hindi ko alam kung yung pangako na iyon ay naalala niya pa. Kahit na mahirap, kakayanin ko pa rin, alang-alang sa pangarap na iyon." 

Tahimik si Sandy noong nalaman niya yung sikreto na iyon. Baka isipin na niya na ang sobrang weirdo ko. 

"BWAHAHA! Siguro naman na hindi mangyayare iyon! Baka siguro kinalimutan na niya ang ganong promise eh!  Nagmumukha lang akong ewan!"

"Maaalala niya!" Sigaw niya na may positive effect sa mukha niya. 

Sobrang gulat ko nga kung bakit siya nagsabi nang ganoon sa akin. Ineexpect ko na pagtatawanan niya ako.

"Maaalala niya! Kung gusto ka niya talaga, no matter how many years, maaalala niya pa rin. Siguro nagsisikap siya ngayon na lahat ng pagsubok kinakaya niya. Kahit na yung fact na gustong pumasok sa Dhalia U dahil sa isang promise."

Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin pero wala naman akong sinabi sa kaniya yung part na papasok ako sa Dhalia U dahil sa kaniya. Wait... Paano kung... Paano kung si Sandy ay...

⳾*⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*⳾

"Wow ang sarap naman nito! Hindi kagaya yung luto ng isa d'yan!"

"Sino yung tinutukoy mo, Claudy?"

Sabay silang lima na nag salu-salo para sa hapunan. Natapos ang pamumuno ni Sandy sa kusina dahil libre na si Vanessa para bumalik sa pagluluto. Ang dami niyang niluto para sa kanila pero ako naman ay nasa labas, kumakain ng cup noodles na bigay sa akin ni Sandy. Masaya si Claudy dahil mas gusto niya ang mga luto ni Vanessa kaysa sa best friend niya.

"Vanessa, bakit parang ang lugmok ng mukha mo habang kumakain?" tanong ni Brianna sa kaniya. Napapansin niya na ganon siya palagi sa bahay.

"Huh? Hindi. Okay lang ako." gulat niya.

Ang saya naman nila sa hapag-kainan. Hindi katulad sa akin, pagaling mag-isa sa labas. Hindi pa rin ako kinakausap ni Vanessa at hindi ko alam kung galit ba siya sa akin. Pagkatapos kumain, papunta ako ng banyo pero nagbabasa ako ng flashcards para magreview. 

"WAAHHH~~"

Nakabangga ko pala si Vanessa na may hawak ng mga tinuping damit.

"Pasensya! Hindi ako tumitingin sa daan..." Pinulot ko na lang yung mga damit para makabawi sa kaniya.

"Oh.." Bigla kong nahawakan ang kamay niya. Hindi siya nagsalita at daling-dali niyang kinuha ang mga damit at umalis.

Siguro galit na talaga siya sa akin... Sinira ko yung tiwala niya na galing ako sa school na iyon at nasilipan ko siya na hindi sinasadya!

"Anong ginagawa mo d'yan, manager?"

"WAH!" Sila Brianna at Naomi lang pala iyon. 

"Nakita ko si Vanessa kanina na tumatakbo at parang umiiyak. Alam mo ba kung anong nangyare?" tanong ni Brianna sa akin habang hawak niya yung espada.

"Um..... U.... Hindi ko alam! Wala akong kasalanan!"

"Talagaaahh???" Nakatutok na pala sa akin yung espada!! Wala pa nga akong ginawang masama eh! Well sort of...

Love Under Carolyn's DormitoryWhere stories live. Discover now