Memory #11 ~ I Miss You! ~

4 1 0
                                    


Mid-September: Dhalia U Second Semester Begins!!

"Nang dahil hindi ka po um-attend ng classes noong first term, I'm sorry dahil kailangan mong mag-repeat ng first semester." Sabi ng registrar kay Romeo.

"A-Ano?!! Hindi puwede!"

Malungkot na umalis si Romeo sa Dhalia U dahil kakailanganin niyang ulitin ang first semester. Umabot ang first semester noong panahon na nasa ospital si Romeo dahil sa kaniyang aksidente. May mga narinig siyang mga tsismis mula sa loob ng university. Sikat si Sandy sa kaniyang beauty and brains. Si Gwen naman ay gumaganda ang kaniyang pakiramdam kaya nakakapaglaro na siya ng sports.

Dumaan si Romeo sa isang bookstore, at may nahanap siya ng mga libro tungkol sa Archeology. Hindi pa niya alam kung ano ang gagawin noong nakapasok na siya ng Dhalia U. Napag isip-isip siya na baka isang chance para sa kaniya na sumama kay Charles para sa kaniyang trabaho.

"Makikiraan po..."

"Ah! Pasensiya na..."

Nabigla si Romeo nang makita niya si Sandy na nakasuot ng itim na blazer at nakasalamin pa siya. Nagkatitigan silang dalawa sa loob ng bookstore.

"Sandy?!"

"Romeo?!"

Dumaan sila sa isang amusement park at sumakay sila sa ferris wheel. Sinabi na rin ni Romeo sa kaniya ang tungkol sa pag-repeat niya ng first term. Bumuntong-hininga si Sandy nang malaman niya iyon.

"Sabihin mo na lang kase ang totoo. Hindi naman ako magagalit."

"Naisip ko lang kasi na ilang taon ninyo akong sinuportahan tapos ganito lang ang mangyayari. Sandy, pasensiya na at hindi ko natupad ang promise ko sa'yo..."

"Hindi ko naman iniisip iyon. Narinig ko mula kay Naomi na may balak kang mag-aral sa ibang bansa?"

"Hindi naman sa ganoon. Gusto ko lang sundan si Kuya Charles at tulungan siya. Pero hindi pa ako nakakapagdesisyon..."

Natahimik si Sandy nang marinig niya iyon. Tumingin na lang siya sa view nang makita niya na nasa itaas na sila ng ferris wheel.

"Huwag mong isipin iyan. Basta gawin mo lang kung anong gusto mo. Buhay mo iyan at walang iba na puwedeng magsabi kung anong gagawin mo." Ngiting sabi niya.

"Oo... P-Pero kung aalis ako, malalayo ako sa'yo..."

"..."

Tahimik silang dalawa nang naisip nila iyon. Naisip ni Romeo kung mas naging close ba sila ngayon, hindi katulad dati. Pero gusto niyang itanong bakit siyang nakasuot ng ganoon.

"S-So Sandy, bakit ka nakasuot ng ganiyan?" Tanong ni Romeo at napakamot siya ng ulo.

"Nagtratrabaho ako bilang teacher sa isang review center."

Nagulat si Romeo dahil hindi niya inaasahan iyon. Hindi niya alam na may trabaho pala siya.

"Bakit mo namang naisip na magtrabaho bilang teacher? Ang daming trabaho diyan."

"Sabihin na lang natin na na-miss ko yung saya noong tinuruan kita. At gusto ko maging teacher talaga."

Nang matapos ang pag-ikot ng ferris wheel ay agad na lumabas si Sandy. Naglalakad siya sa beam ng hagdanan, habang si Romeo naman ay sinasabihan siya na mag-ingat.

"Sandy! Baka mahulog ka diyan!" Sabi ni Romeo pero masayang-masaya si Sandy naglalakad sa beam.

"Alam mo, naiinggit ako sa'yo. Kapag sinasabi mo ang tungkol sa Archaeology, kumikinang mga mata mo na parang mga bituin sa langit. Pakiramdam ko na gusto ko ring maghanap ng bagay para sa akin. Gusto ko ring mag-shine katulad mo. Kaya hinahanap ko iyon na may buong puso." Ngiting sabi ni Sandy at tumingin siya sa kaniya.

Love Under Carolyn's DormitoryWhere stories live. Discover now